Chapter 41 - Got Your Back

85 3 0
                                    

SENA

My pregnancy spread like wildfire and there were various reactions. Reactions which I decided to ignore.

Nung una, pumapasok-pasok pa ako sa Headquarters dahil mag-iisang buwan pa lang naman akong buntis. Kaso dumating din sa puntong kusa na akong hindi pumasok gaya ng bilin ng mga babaeng Great Generals, ni Vera, ni Leni, at ni Doctor Shiela. Kitang-kita ko rin kasi kung paanong halos mapraning si Glen at kulang na lang dalhin n'ya yung work desk n'ya sa opisina ko.

Kaya ngayon, ito tumatambay lang ako sa kung saang sulok ng bahay. Basa, luto, kain, at tulog lang halos ginagawa ko kapag mag-isa ako. Binibisita naman ako nila Vera, Mom, at Nica. Pati si General Georgina na mother ni Glen, bumibisita rin.

Dalawang linggo na akong nasa bahay lang at kung tutuusin, pwede akong gumawa ng paperworks. Si Glen lang talaga yung ayaw na ata akong pakilusin. Ultimong pag-akyat at pagbaba ng hagdan sa bahay, bibitbitin pa ako.

Ni hindi pa nga halatang buntis ako!

"Oh let him, hija. Tingin ko nga mild pa lang 'yan since nasa 200s na yung edad n'yo." Sabi ni General Georgina.

Kasalukuyang sila ni Mom ang umaasikaso ng dinner dahil natapos na daw nila yung gagawin nila. At alam daw nilang wala akong halos ginagawa kaya binisita nila ako.

"I think that's true," natatawang sang-ayon ni Mom.

"Siguro kung mas bata pa kayo naikasal, baka nahimatay pa yung bunso ko nung nalaman na buntis ka." Natatawang sabi ni General Georgina. "Hinimatay si George eh."

Napatingin ako kay General Georgina na bakas yung di pagkapaniwala sa narinig. At kung hindi lang nila nanay 'tong nagsasabi sa akin, hindi ako maniniwala.

Glen's older brother is quite known for being the perfect guy to be the next leader. Calm and collected, the opposite of Glen's reputation of being grumpy and foul mouthed.

So it's odd to hear that one of the sons of the Ruby Imperial Army's Alpha fainted from knowing his mate was pregnant.

"Mukhang magiging gwapo o maganda yung magiging apo natin." Nakangiting sabi ni General Georgina. "Though it's a given since my son and your daughter are head turners."

"Pinaglilihian ata ni Senara si Glendale." Sabi ni Mom na tuluy-tuloy maghiwa ng gulay. "Ilang beses ko na nakikitang umiidlip si Glendale sa meeting eh."

"My grandchild better not be his carbon copy to the point of being foul mouthed as well."

My eyes moved back and forth from Mom and General Georgina who kept on talking about pregnancy stuff. But I listened intently to General Georgina since she was mentioning some of Glen's embarrassing childhood memories. Ones I didn't get to see since I locked myself up in our house and avoided social interactions aside from the people inside the Allister Mansion.

At dinner time, Glen arrived with his father, General Nakatomi.

Kasama din sila Doctor Shiela at dalawang anak nila. Na naging sagot sa kanina ko pang tanong na bakit ang daming pagkain na nakahanda. Puno ng tawanan yung dinner table dahil nagtatalo yung dalawang anak nila Doctor Shiela.

Hindi ko nga alam kung matatawag ba talagang pagtatalo yun kasi nagpapayabangan yung dalawa na mas masarap daw kinakain nila. Eh pareho lang naman sila ng kinuhang ulam.

At habang nakikita ko yung masayang tawanan, hindi ko na napigilang mapaluha. Mabilis ko lang na pinikit-pikit yung mata ko para hindi tuluyang malaglag.

"Bye bye po!" Pakaway-kaway na sabi ng panganay na babae nila Doctor Shiela.

Nakangiti akong kumaway pabalik at sinara ko na yung pinto nang makalabas na sila sa gate.

Cursed Blood Series 01: Reign Of The VampiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon