Chapter 48 - Challenge

77 3 2
                                    

SHAIPOTTER hello OMG thank you sa votes!!!

***

SENA

"Veronica, come on. We'll be a happy family."

Tumaas yung kilay ko sa narinig ko at nang tuluyan ko na silang makita, magkatapat si Nica at Zelus. Kitang-kita ko yung higpit ng pagkakakapit ni Nica sa scythe n'ya.

"Happy family my ass." Pabalang na sabi ni Nica. "Tingin mo naman papayag ako at si Ate?"

"Your sister's here right now," sabi ni Zelus na nilingon yung kinatatayuan ko.

Nakita kong natulos si Nica sa kinatatayuan n'ya at bumakas yung kaba sa mukha n'ya. Hindi ko napigilang mapangisi at lumakad palapit sa kanila.

Looks like Nica heard what happened when I fetched Ronan days ago.

"You think a memory spell can make me forget that anger I buried in my heart for you?" Nanggagalaiti kong tanong kay Zelus.

"Ate..." gulat na sabi ni Nica "sabi ni Kuya Glen..."

"Snapping my neck broke the spell."

"What? How the hell did you snap your own neck?!"

"Otis did it for me."

Lumapit na ko kay Nica at masamang tingin ang ibinaling ko kay Zelus na hindi makapaniwala.

"We'll never see you as our father." Asik ko.

He was still stunned when Nica and I began to move. But his reflexes were quick enough for him to deflect both of our attacks.

May hawak s'yang nagamaki at lalong kumulo yung dugo. The nerve of this bastard to use the same weapon as Mom!

Tinuloy namin ni Nica yung pag-atake sa kan'ya at nakakairitang medyo masikip 'tong lugar kung nasaan kami. Lalo na at mid-range ang weapon na gamit namin. Ang bilis pa n'ya kumilos kahit na subukan naming pantayan.

Damn, this bastard's high on blood!

Hindi ko talaga mapigilan yung iritasyong lumukob sa akin. At si Nica kitang-kita ko na naiirita din dahil salubong na salubong yung kilay n'ya.

Just how strong is he?

Parang hindi pa nga kalahati ng lakas n'ya yung ginagamit n'ya pero hirap na kami! Lahat ng atake namin, naiiwasan n'ya. At kapag binabalik n'ya, nakikita kong hindi pa yun lahat ng lakas n'ya.

"Nica!" Nasigaw ko na lang nang makita kong sipain s'ya ni Zelus. "Thrymmatiscit!"I quickly chanted when I saw that she's going to hit the wall.

The wall that Nica's back was about to land on collapsed. I hurried over to the other side of the wall and saw her pushing herself up.

"Shit, okay ka lang?" Tanong ko.

"Rolling on the ground is much better than hitting that wall." Ungot ni Nica at tumayo. "That geezer sure knows how to kick!"

Bigla kaming napatalon palayo sa isa't isa at kung hindi kami tumalon, malamang hawak na kami sa leeg ni Zelus. May kalapitan pa ako kay Zelus kaya naman sinipa ko s'ya ng malakas sa likod n'ya at tumilapon s'ya ng ilang metro.

"I've never seen you, kick someone that hard." Manghang sabi ni Nica. "How much blood did you drink?"

"I sucked someone dry." Kagat-labing sabi ko.

"What—oh."

Mukhang narinig n'ya yung iniisip ko pero naputol yung pag-uusap namin nang may maamoy kaming tao sa direksyon kung nasaan si Zelus. Nataranta kami dahil dun at mabilis kaming tumakbo papunta sa direksyon n'ya. Hilam ang paligid dahil hindi na ordinaryong takbo ang ginawa namin.

Cursed Blood Series 01: Reign Of The VampiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon