SENA
Over 68 years ago...
"Maaaaa."
"Maaaaa."
Naalimpungatan ako sa narinig ko pero pinihit ko lang yung katawan ko papunta sa kabilang side. Dahil naaamoy ko si Glen, lumapit pa ako hanggang sa nakayakap na ako sa kan'ya at ilang saglit lang, pumalibot sa bewang ko yung isa n'yang braso.
Ganun yung posisyon namin at makakatulog na sana ako ulit kaso may nagpupumilit na sumiksik sa gitna namin. At may nakayakap na sa akin galing sa likod ko.
Dumilat na ako dahil hindi na ako makakatulog sa lagay na 'to.
"Istorbo kayo, alam n'yo yun?" Rinig kong tanong ni Glen na inaantok pa.
"Weh, si Papa kunwari pa. Mama oh, si Papa nagsisinungaling." Natatawang sabi ng pinakabunso namin na nasa gitna namin ngayon.
"Alam n'yo naman sigurong pangdalawahan lang 'tong kama?" Tanong ko sa kanila.
"Alam namin, Ma. Kaya wag ka kikilos, malalaglag pinakagwapo mong anak."
"Hoy, ako nauna kaya ako pinakagwapong anak!"
"Ang ingay n'yo Kuya Shane at Kuya Gavin!" Reklamo naman nung pangatlo naming anak.
"Bakit ba apat naging anak natin? At saan ba nila nakuha 'yang daldal nila?" Kunot noong tanong ni Glen.
"Why don't you try asking the one who impregnated me?" Balik tanong ko at tinikom n'ya yung bibig n'ya.
"Tayo na. Anim na tayong nagsisiksikan dito." Sabi ko.
Sumunod naman yung mga anak namin at napailing ako nang makita sila.
Two boys and two girls. Shane is the eldest among the four at 18. Gavin at 14, is the second. Sandra's 9 and third. And the youngest is Grace at 3. Aside from looking like Glen, me, or a mix of both, the similarity they all share is being talkative.
Na hindi namin malaman kung saan nila nakuha. O baka nahawa na lang sila kay Gwen kapatid ni Glen at sa pinsan ko at nakababatang kapatid ni Senri na si Terrence. Pwede ring sa anak nila Vera o kaya nila Leni.
"Glen, tayo na d'yan." Sabi ko at tinapik yung braso n'ya.
Yakap-yakap n'ya yung bewang ko kaya hindi ako makatayo sa kama. Pero ilang segundo lang din umupo na s'ya na nakayakap pa rin.
"Good morning." He whispered and gave me a peck before letting his forehead rest on my shoulder.
Minasahe ko na lang yung ulo n'ya dahil kapag ginagawa n'ya 'to, ibig sabihin lang nun ay masakit yung ulo n'ya. Ilang minuto lang din yun bago kami naligo at nagbihis ng uniform.
Pagbaba namin, si Glen lumakad palabas para tingnan kung may letter na naman bang nasa may pinto. Ako naman sa kusina at napangiti ako dahil may kan'ya-kan'yang ginagawa yung apat.
Si Gavin yung nagluluto habang si Sandra yung nagse-set ng table at si Shane yung nagtitimpla ng kape naming lahat at nagtitingin kay Grace.
"Morning Ma," nakangiting sabi ni Sandra sa akin kaya nginitian ko rin s'ya.
"To the Queen of the House." Sabi ni Shane at inilapag yung tasa ko sa harapan ko.
Sakto namang pumasok ng dining room si Glen at umupo sa kabilang dulo na katapat ng upuan ko.
"Walang letter, Pa?" Tanong ni Shane na naglapag ng tasa sa harap ni Glen.
"Meron. Alam mo namang hindi ako nagdadala ng kung ano dito sa hapagkainan." Sabi ni Glen.
BINABASA MO ANG
Cursed Blood Series 01: Reign Of The Vampires
Vampire(Cursed Blood Series #1) Sena has been a student of Sardonyx National Training Academy for nearly four years. The first place spot has always been hers and the student population also knew her as the Academy Director's daughter. Which made them que...