Chapter 4 - Departments

246 4 0
                                    

SENA

I would rather sweat myself and throw people over my shoulder for an entire afternoon. Kasalanan 'to ni Vera at Ivan eh, ako pa in-assign dito.

Ugh, kung ayaw nilang i-supervise ko yung basic combat skills ng mga 'to, wag naman nila ako bigyan ng ganto.

"Looking good, dear cousin, you look like a calm instructor."

Nagpantig naman yung tenga ko dahil narinig ko yung pang-aasar ni Senri. At nung nakita n'ya na tiningnan ko na s'ya ng masama ay medyo napaatras s'ya.

"Glen's stuck in a situation worse than yours. 'Wag ka mag-alala."

Di hamak namang mas magandang mag-ayos ng Rescue Dispatch Squads at i-double check yung mga kasama sa Full Moon Expedition kaysa dito.

"Senri, leave the basement. Bago ko malimutang pinsan kita at hatiin ka sa dalawa."

Ngingiti pa sana si Senri kaya hinawakan ko yung katana ko. Bigla namang sumara yung pinto ng basement at naiwan na ako dito kasama yung sampung trainee. Tiningnan ko naman sila at nakatayo sila sa isang linya.

Kung saan-saan din napupunta yung mata ng iba pero may ibang kung hindi sa kawalan nakatingin ay sa sahig. Umupo naman ako sa upuan na nakatabi sa isang table na may mga folder. Sumandal naman ako at kinuha yung evaluation folder.

Well, normally kapag na-assign akong magturo sa trainees yung master list ng names ang kinukuha ko. But not this time since the ten people in front of me are incredibly familiar both by name and face.

"Honestly speaking...kung midterm, pre-final, or final evaluation 'to bagsak na kayo sa akin." Simula ko habang tinitingnan yung line graph na ginawa ni Vera sa observation sa kanila.

Lahat sila nag-increase yung results sa kung ano mang conditioning na pinagawa ni Vera at Ivan. Halata ding mabilis lang sila sa combat skills since training academy 'to for aspiring police officers, soldiers, body guards, agents, and anything along those professions.

"You signed up to be a soldier, act like one. Hindi yung kung saan-saan kayo nakatingin." Puna ko at agad naman sila humarap sa'kin pero malikot pa rin yung mata nila. "And your postures."

"This is why I can't take any of you seriously." Naiiritang bulong ko sabay lapag ng folder sa table.

Lahat sila ginawa yung mga tinama ko pero kitang-kita ko sa mata nila na gusto nilang magtanong kaya napabuntong hininga ako.

"You're curious of me." Walang ganang sabi ko pero napabuntong hininga ako.

Paniguradong hindi lang si Ivan at Vera may gawa kaya naiwan ako mag-isa kasama ang sampung 'to. Malamang pati si Senri kasama, baka nga s'ya pa nagplano. Ugh, when will he stop bugging me about not making a single friend from this place?

"Sardonyx National Training Academy is Ruby Imperial Army's headquarters here. And the moment you enrolled yourselves here, possible candidate na kayo para kuhain ng Ruby Imperial Army sa Rubellite once maka-graduate kayo." Paliwanag ko dahil hindi naman sila masyadong nakakalabas sa mansion na 'to.

Though tingin ko medyo alam na nila' yon. Pati na yung Director ng SNTA ay isa sa Generals ng Ruby Imperial Army. Kasama na rin siguro yung Departments namin.

"You're all part of the Field Department since, if your skills are gonna be compared to the rest of the trainees in this place, yours are on top."

Sinabi ko na ring may posibilidad na yung ilan sa kanila ay makitaan ng potential ng Medical Department. Gaya na lang ni Vera.

Dati ang Departments na meron sa Ruby Imperial Army ay: Field, Medical, Manufacturing, Intelligence, and Legal. Pero sa sitwasyon ng mundo ngayon, hindi na kailangan ng Legal Department na nag-aasikaso ng legal documents and transactions.

Cursed Blood Series 01: Reign Of The VampiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon