SENA
I never thought the day would come that I'll get annoyed by getting stared at. Wala lang naman sa akin ang matitigan dati dahil nasanay na ako nung nasa Rubellite Headquarters ako, may kasamang bulungan pa nga. Yun nga lang hindi katulad nung dating bulungan dahil hindi naman 'to Rubellite.
Kaunti lang kaming may gold-detailed uniform sa Ruby Imperial Army. Siguro kung isa ako sa trainees or low-ranked soldiers ay mapapatingin din ako.
But what I hate is the fact that these people are staring at me with doubt evident in their eyes. Lalo na yung newbie soldiers na hindi pa nga ata naglilimang taon.
Bakit ba ganto kabata mga sinama dito?
"I know that blank look Sena. Kumalma ka."
Nawala naman ako sa pag-iisip ng paraan para matigil sila sa pagtitig sa'kin nang hindi ko dinudukot yung mga mata nila dahil kay Leni. As usual, nakasabit sa likod n'ya yung rifle n'ya at may gun holsters s'ya sa magkabilang bewang n'ya. Kababalik lang din n'ya galing sa pagpa-patrol sa labas ng academy grounds.
"Leni! Sena!"
Sabay kaming napatingin sa likod at nakita namin na tumatakbo si Vera papalapit sa amin. At hindi namin napigilan ni Leni na taasan ng kilay si Vera dahil hinihingal s'ya kahit na wala pang fifty meters yung tinakbo n'ya.
"Don't look at me like that! Galing pa ako ng medical department ano ba kayo!"
Napatikom na lang ako sabay alis ng tingin sa kan'ya dahil baka mag-tantrums s'ya. Isa pa, malayo nga naman yung medical department mula dito sa kinalalagyan namin na halos nasa main gate na.
Sabay-sabay na kaming pumunta sa parking lot na malapit sa main gate. Dati puro sasakyan na nagva-vary from common cars to expensive cars ang nandito pero ngayon halos military vehicles na yung naka-park.
Nakita naman namin sila Glen, Ivan, at Senri na nakatayo sa gitna ng dalawang military jeep sa harap ng main gate. At kahit medyo malayo ako ay alam ko namanh nag-uusap lang sila tungkol sa Rescue Dispatch.
Twenty-five squads are set to go and see establishments that are crowded in a daily basis to rescue survivors. I heard that from the past week they've checked the ones near the academy and now they're gonna go beyond the city border. They're looking for survivors on the way and going to places where survivors might be as well as those that the vampires might have targeted.
At alam kong ilang araw siguro bago makabalik yung mga lalabas na squads dahil labas na sa city na 'to yung pupuntahan ng mga squads. Dadami na naman yung mga taong ia-accomodate namin.
"Sino ba yung mga 'yon?" Pabulong na tanong ko kay Leni kasi nakikita ko yung isang squad na kapapasok lang ng main gate na palingon-lingon sa amin.
Kasama pa yung babae na nakasunod kila Glen sa office ng Lieutenant General nung araw na nagising ako. At hine-head to toe pa ako ng di lang isa, kundi tatlong babaeng squad members don.
"Ugh."
Napatingin naman ako kay Leni dahil sa reaskyon n'ya at napatingin din si Vera. At dahil sa kunot ng noo ni Vera nang makita kung saan masama ang tingin ni Leni hindi ko na napigilang magtaas ng kilay.
"Newsflash: we hate the girls of that squad." Vera answered.
"That's not hard to miss." Sabi ko dahil halata naman at kahit itago nila, malalaman ko din dahil kilala ko sila.
Si Leni parang gusto na silang barilin at itong si Vera parang gustong isaksak sa lalamunan nila yung throwing knives n'ya.
Well, these two clearly hate them for a reason while I'm hating them by instinct.
BINABASA MO ANG
Cursed Blood Series 01: Reign Of The Vampires
Vampiro(Cursed Blood Series #1) Sena has been a student of Sardonyx National Training Academy for nearly four years. The first place spot has always been hers and the student population also knew her as the Academy Director's daughter. Which made them que...