SENA
Things got busier ever since Gwen and Terrence arrived and their squads were formed. Ako at si Ivan ang madalas na nagtuturo sa Gwen Squad. Habang si Glen at Senri sa Terrence Squad. Si Leni, as usual kung hindi nagpa-patrol ay abala sa pagsu-supervise ng shooting practice ng mga trainee. At si Vera hindi lang mga physical training at spells ang tinuturo kundi pati pagbibigay ng first aid kapag hindi kayang ayusin ng healing properties yung natamong sugat.
"Damn, those brats are so noisy first thing in the morning."
Bumaling yung tingin ko kay Glen na ang aga-aga magkasalubong na yung kilay. Pababa pa lang kami sa third floor ng mansion kung nasaan yung kwarto namin pero rinig na rinig yung ingay mula sa dining area.
"Teka, himala ang aga nila." Sabi ko nang makita yung oras.
"Gwen, of course."
Usually kaming Glen Squad, si Lieutenant General, at Doctor Shiela ang pinakamaagang nagigising. At yung trainees ay dumadating habang kumakain kami o pagkatapos. Hindi naman issue na mas nauuna kaming superiors na gumigising kaysa sa trainees dahil magkaiba naman ang simula ng araw namin.
Kung silang mga trainees mga 6:00 AM bumabangon, kaming superiors mga 4:00 AM or 5:00 AM. Depende na lang kung naka-patrol schedule kami or what. 7:00 AM naman ang start ng schedule ng trainees kaya nakakapagtaka na pass 5:00 AM pa lang gising na sila.
"Good morning!" Masiglang bati ni Gwen na nagdadala pa ng plato galing sa kusina. "Terrence! Wag mo sunugin yan ha!"
Nagkatinginan naman kami ni Glen bago umupo sa table. Sa may kabisera nakaupo si Lieutenant General, at sa may kanan s'ya umupo. Tatabi na sana ako pero hindi ko makita si Ivan at Vera.
"Nasa kusina yung dalawa." Sagot ni Senri na nasa pangatlong upuan sa kaliwa ng Lieutenant General.
Tumango lang ako saka tinanggal muna yung coat ko at ipinatong sa sandalan ng upuan ko. Pumasok naman ako sa kusina at nakita kong nandoon nga yung dalawa na busy sa paglagay ng pagkain sa serving bowls.
"Kailan ka pa natuto magluto?" Tanong ko.
"Morning Ate. And to answer your question, three years ago pa." Sagot ni Terrence.
Lumapit naman ako sa coffeepot at naglagay sa dalawang tasa. Tinimpla ko naman yung dalawang kape bago bumalik sa table at inilapag sa harap ni Glen yung isa.
"Anong nangyari?" Tanong ko dahil naabutan kong nasa likod ng upuan ni Leni si Doc. Shiela at parang hinihilot yung sentido.
"Migraine." Simpleng sagot ni Doc. Shiela.
Nang umupo ako ay nakatingin lang ako kay Leni na mukhang naramdaman n'ya kasi sinalubong n'ya yung mata ko. She mouthed I'm okay and I nodded with a sigh.
Mayamaya lang lumabas na sa kusina sila Ivan, Terrence, at Vera na may dalang pagkain na nilapag nila sa table. Buti na lang kasya kaming lahat sa table though may extra chairs pa. Katulad kasi 'tong table sa meron kami sa Rubellite na kayang mag-accomodate ng 50 people.
"You're smiling."
Halos mabulunan na ako ng narinig kong bumulong si Glen sa akin dahil humihigop ako sa kape ko.
"What?"
"Sabi ko nakangiti ka." Ulit pa ni Glen. "Bakit?"
"I was?" Tanong ko ulit at tumango si Glen. "Ah, I guess this morning made me feel like old times." Sabi ko at tinuloy yung pag-inom ng kape.
Titingnan ko sana si Glen kaso lang may mga nakatitig sa akin at dahil kay Senri ang unang matang nakasalubong ng mata ko, sinamaan ko s'ya ng tingin. Pero tinawanan lang ako ni Senri at biglang bumulong kay Vera na nasa tabi n'ya. At itong si Vera bumulong din kay Doc. Shiela na nasa tabi n'ya.
BINABASA MO ANG
Cursed Blood Series 01: Reign Of The Vampires
Vampiros(Cursed Blood Series #1) Sena has been a student of Sardonyx National Training Academy for nearly four years. The first place spot has always been hers and the student population also knew her as the Academy Director's daughter. Which made them que...