Chapter 1 - The gang.

85.8K 884 49
                                    

Chapter 1

 

"Meg naman. Ayoko nga sabing pumunta doon." Sabi ko sa pinsan kong kanina pa ko pinipilit pumunta sa court ng school namin.

"Gabby. Tara na kasi, manuod na tayo ng game nila Kuya." Aniya.

Ang kulit talaga!

"Practice game. Practice game lang yun Meg. Why do we even have to go there? Pwede naman pag totoong laro nalang nila."

"Okay practice game. Pero kahit na. We need to support them. Kaya lets go na!" Pilit niya kong hinihila. Nandito kami sa cafeteria ng school namin.

"Megan Angelie Manuel. Tigilan mo ko please. No. No. No. And no. And besides wala naman tayong ibang makikita dun kundi yung nakakairitang fangirls ni Azi at ni Kuya Kevin. So thanks but no thanks." Sabi ko naman. Bumalik na ko sa pagtingin sa Instagram ng mga pictures.

Totoo naman kasi, yung mga fans ni Azi at ni Kuya Kevin lang ang nandun. Mga babaeng desperada na halos ibigay na yung sarili nila mapansin lang sila. Oh please.

"Plus fans din ni Gab." Sabi niya ng natatawa. “Tara na kasi Athena Gabrielle Padilla. Pleaseeeee.” Sabi niya sabay pout.

Ew. May fans nga pala yung bestfriend ni Azi na yun.

Kahit anong ayaw ko ay dito parin ako natuloy. Sa court. Sa maraming maiingay na babae na halos lumuwa na yung vocal chords kakasigaw.

Meg and her special powers.

"Go Aziellll! I love youuuu!"

"Ahhhh Kevin! Pakasalan mo na koooo!"

"Gab ishoooot mo! Oh goooosh! Ang gwapo mo talaga!!!"

Yan ang sumalubong samin pagtapak na pagtapak namin sa gym. Napatakip ako agad ng tenga. Geez!

"Oh my gosh si Gabby!" Tili ng isang babae.

"Hi Gabby! Ang gwapo talaga ng kapatid mo. Pwede bang hingin number niya?" Sabi ng isa pa.

“Gabby! Pwedeng papicture?” I heard one said.

Ako tigil tigilan niyo ha! Isampal ko sainyo tong ipad na hawak ko. Gusto ko sanang sabihin pero hindi ko na ginawa. I wont stoop down their level.

Hindi ko nalang sila pinansin. Gosh. Nakakairita. Sabi na kasi dapat di na kami pumunta dito eh. Ang kulit kasi neto ni Meg eh.

Naglalakad na ko ng makarinig na naman ako ng bulungan.

“Ang ganda niya talaga noh. Bakit ba ang gaganda at ang ggwapo nilang magpipinsan?” Sabi ng isang babae.

My Little BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon