Chapter 34
(Song on the sideee)
Pagtapak ko palang sa labas ng NAIA ay agad akong sinalubong ng maingay na paligid. Mausok. Matao. Kahit 5:30 palang ng umaga ay ganto na agad ang sasalubong sakin. Aaminin ko, nakakamiss din pala yung gantong eksena sa Pilipinas.
Sa loob ng dalawang buwan ay nagstay ako sa Singapore. Kung saan malinis ang hangin, ang paligid at maganda ang mga nakikita ko. Pero namiss ko din tong lahat ng to.
Agad akong pumara ng taxi. Hindi ako nagsabi na ngayon ang uwi ko. Ang alam nila ay bukas pa ng hapon.
Nagpahatid ako sa condo ko, doon ko kukunin ang sasakyan ko at pupuntahan ang taong dahilan ng paguwi ko.
Si Montefalco.
Two weeks ago ko pa nga gustong umuwi kaso hindi ko naman maiwan ang trabaho ko sa Singapore. Kaya ngayong andito na ko ay siya agad ang pupuntahan ko.
Binaba ko lang ang mga bagahe ko sa condo ko at umalis na rin ako. Masaya kong hinawakan ang envelope na ibibigay ko kay Montefalco.
Results yun ng pagpapatest ko kung buntis ako. Two weeks na kasi akong delayed noon kaya sabi ko baka buntis ako.
True enough.
Positive.
Im pregnant.
And Im the happiest woman in the world.
Bihira kami makapagusap ni Montefalco noong nasa Singapore ako dahil busy kami pareho sa internship namin. Plus Im giving him the time and space he needed to breakup with Angel. Magiisang linggo nadin nung huling usap namin at hindi ko na siya tinanong nang tungkol kay Angel.
Ang huling balita ko na natanggap ko kila Azi almost a month ago ay nagkakalabuan na daw ang dalawa. Call me a bitch but that news made me happy.
Masaya akong nagdrive papunta sa condo ni Montefalco.
As for Drake, alam niya ang pagbubuntis ko. Nasabi ko narin naman sakanya na may iba akong mahal. Medyo ilang araw din siyang ilag noon sakin after ko siyang iturn down. Pero buti ay naging ayos naman kami.
Inofferan niya ko na after graduation ay doon na sa E magtrabaho. But I turned it down because he wants me to work with him at New York. Doon na pala siya maghahandle ng E after ng Singapore event.
The thing was hindi ko masabi sakanya na si Montefalco yung mahal ko. Hindi ko kaya. Nasaktan ko na siya, ayoko ng dagdagan pa.
Masaya akong naglakad papasok ng condo nila. Buti nalang at pinapasok ako agad ni Kuya Guard. Dalawang buwan lang naman akong nawala kaya for sure ay naaalala pa niya ko.
BINABASA MO ANG
My Little Brat
Fanfiction[Almost Perfect Series V + He&She Series II] "You're my business Gabby. Cause youre my little brat."