Chapter 10 - Bros before hoes?

30.9K 637 45
                                    

Chapter 10


I woke up in tears. Bwisit ka talaga Montefalco. Napanaginipan ko na naman yung pangyayaring yun three years ago.

I remember, naconfine ako nun for almost a week dahil hindi ako umalis sa tapat ng bahay ni Seb nun. Hindi ko alam kung ilang oras ako nagstay dun pero ang sabi ni Azi nakita nalang daw niya kong nakahandusay sa kalsada ng alas-kwatro ng madaling araw.

Galit na galit nun si Azi. Kulang nalang pumatay siya. He was fuming mad. And so am I. Galit na galit ako kay Montefalco. He ruined my little fairytale. He was such an asshole for kissing me. Ang dami-daming babae nun pero ako pa ang hinalikan niya. He knows how much I loved Seb. Damn him.

Nakakainis dahil nabuhay na naman yung galit sa puso ko. Kinalimutan ko na nga yung pangyayaring yun eh. That was one painful memory. At pilit ko yung binabaon sa baul. Not until he brought that up last night nung akala niya tulog na ko.

Simula nun, hindi na kami nabalik ni Montefalco sa dati. Hindi ko siya pinapansin madalas. Kung papansinin ko naman siya ay susungitan ko siya. I didnt consider him as my friend anymore. He's just merely my brother's bestfriend. Period.

Pero hindi totoong pinaparusahan ko siya sa nangyari. I must have hated him but its not my fault he's suffering. Guilt niya ang nagpaparusa sakanya at hindi ako. Aanhin ko pa ba yun? Nangyari na, kahit naman masaktan ko si Montefalco ay hindi na nun maibabalik yung nakaraan. Hindi ko lang talaga kayang maging malapit uli sakanya katulad ng dati. Things have changed.

Naniniwala ako na hindi naitatama ang pagkakamali ng isa pang pagkakamali.

Lets leave it at that. I hated him. But Im not up for revenge. Revenge is only for the weaklings. Yung mga hindi makamove on sa nangyari sa buhay nila. Yung kailangan pang manira ng buhay ng iba para lang sumaya.

I may be a brat but Im no evil.

Tumayo ako at pumasok sa banyo. I stared at myself in the mirror. That agonizing memory made me cry, again. Kung pwede lang burahin na yun sa ala-ala ko ay ginawa ko na. I was a fool in love before but not anymore.

Hindi naman sa hindi na ko naniniwala sa love. Its just that I knew better now. Mahalin at pahalagahan mo muna ang sarili mo bago ang ibang tao. That's what Ive learned after the breakup.

Pagbaba ko ay agad kong nakita si Montefalco. Dito na ata sila natulog nila Kuya Kevs kagabi.

"Good morning Gabby." Masayang bati ni Azi sabay halik sa noo ko. I smiled at him. Sweet talaga ng kambal ko. Kaya ang swerte ko dito eh.

"Morning." Maikling bati ko sakanila. I felt my phone vibrated kaya tinignan ko ito. It was a text from Julian.

Fr: Julian Estrada

Hey. Up for some party tonight?

I immediately texted him back. Wala namang pasok bukas so yeah, Im up.

To: Julian Estrada

Sure. Time? Where?

I sip on my coffee at agad naman siyang nagreply.

Fr: Julian Estrada

SL. Fetch you around 8? ;)

Bago pa man ako makasagot ay narinig ko na ang tikhim sa likod ko. It was Montefalco. He was glaring at my phone.

I raised my eyebrow. "Textboso ka na ngayon?" Malamig kong tanong.

"Lumabas na kayo kahapon. Lalabas na naman kayo mamaya?" Nakakunot noo na tanong niya sakin.

"The hell you care Montefalco." I hissed. Ang aga aga mangingialam na naman siya sa whereabouts ko.

He sighed. "Playboy yang isang yan. Masasaktan ka lang so better stop getting involved with him." Mahinang sabi niya sabay tumalikod na at bumalik kila Azi.

Napairap nalang ako. I've been around with my playboy cousin for God knows how long, of course I know one when I see one.

I decided to go for a swim. Si Meg natulog muna ulit, napuyat daw sa inuman nila kagabi. Si Azi, Kuya Kevin at Montefalco naman ay naglalaro ng basketball. Aahon na ko ng makita kong hawak ni Montefalco yung bathrobe ko. Inabot niya yun sakin at ibinalot ko yung sarili ko. Nakita kong napatitig siya sa katawan ko. Malamang, naka-two piece lang ako. Ang manyak talaga neto.

"Gabby." Hinawakan niya yung braso ko ng naglakad ako paalis.

Napahinto ako at napaharap sakanya. "Y-yung tungkol kagabi. Sorry." Mabilis niyang sabi sabay bumalik na sa court.

Marunong palang magsorry yun.


~

Nandito na ko sa sasakyan ni Julian. He fetched me 5 minutes earlier than expected pero buti nalang at ready na ko ng dumating siya. Bumaba ako ng hagdan na kulang nalang ay humandusay sa sahig si Julian sa pamatay na titig ni Gab.

"Nagtext ako kagabi." Binasag ni Julian yung katahimikan. Napatingin ako sakanya. So siya pala yung nagtext. No wonder ganun yung itsura ni Gab kagabi. May problema talaga siya kay Julian.


"Hmm?" I hummed asking him to continue.

He shrugged. "Hindi ka nagreply. Akala ko hindi mo na ko papansinin after ng first date natin."

"Nakatulog na kasi ako agad." I lied. Pero hindi ko naman pwedeng sabihin na si Montefalco ang nakabasa nung text niya. Foul yun sa part niya.

Pagpasok namin sa SL ay ang dami nang tao. Maraming nagsasayaw sa dancefloor, maraming couples na nagmamakeout sa kanya kanya nilang couch. I wonder kung real life couples nga ba yung iba. This is the thing about bars. Marami dyan, kakakilala palang, nagmamake out na agad.

Hinila niya ko papunta sa counter at umorder ng dalawang shot ng tequila. Agad naman naming nilagok yun. "Sayaw tayo." Pasigaw na bulong niya sakin. Malakas na ang music kaya kailangan sa tenga itapat ang bibig para marinig ang pinaguusapan.

I nodded my head but not before drinking another shot. Hindi ako sumasayaw ng hindi nakainom. Parang baliw lang ako magsayaw pag sobrang sober ko pa.

Ninanamnam ko ang bawat beat ng music. I need to get that memory out of my head tonight para hindi ko mapanaginipan mamaya pagtulog ko. Naramdaman kong iba na yung kasayaw ko. Switch partners pala. Namumukhaan ko siya. I think kasama to sa team nila Azi.

"You look so hot Gabby." Bulong niya sakin sabay pinadausdos niya ang kamay niya pababa sa bewan ko.

Nainis ako sa ginawa niya dahil pakiramdam ko ay binabastos niya ko. Pero bago pa man ako makareact ay nakahandusay na yung lalaki sa sahig.

"Gago ka! Sino nagbigay sayo ng karapatan hawakan si Gabby?!" Sigaw ni Montefalco.

Nakita kong nagsitabihan yung mga tao. Julian was nowhere to be found but I didnt care. Hinila ko yung braso ni Montefalco.

"Lets go. Dont make a scene." Sabi ko.

Pero hindi niya ko pinansin. Tumayo yung lalaking nakipagsayaw sakin kanina. Tumawa siya. "Dude kalma. What happened to bros before hoes?" Natatawang sabi niya sabay punas ng dugo sa bibig niya.

"Bros before hoes. Hoes. Gabby's not a hoe. Go find a slut." Mariing sabi ni Montefalco. He held my hands and guided me out of the bar but not before saying these words.

"It will always be Gabby over anything. Remember that."

My Little BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon