Chapter 17
More than a month had passed at sembreak na namin. Finally!
“So tara SL tayo?” Nakangiting sabi ni Azi. I assume he’d missed SL. We all does. Halos hindi na kami makapunta dun dahil madalas busy kami. Kuya Kevin’s been really busy with his thesis. Meg, Azi and I were all busy for our final exams. And as for Montefalco, he’s busy with Angel.
Yes, they’re still together. Sa pagkakaalam ko ay mag-ttwo months na sila. Nakasanayan narin namin na makasama si Angel. She’s so nice na lahat kami ay nakasundo niya. Yes, pati ako. We’re cool actually. Kami ni Montefalco ang parang may malaking barrier.
Hindi ko maintindihan kung anong problema niya sakin at bakit ang lamig ng pakikitungo niya sakin.
I nodded. “Pero ang aga pa. Magkita nalang tayo sa SL mamaya. May bibilhin lang ako.” Alas-dos palang naman kasi ng hapon. Mukha kaming tanga kung nandun kami ng ganto kaaga.
And besides, kailangan kong magshopping. Stress reliever.
“Manong sa mall po tayo.” Sabi ko sa driver.
Oo, may driver na ko ngayon. Mom and Dad hired him para may magmamaneho sakin papasok at pauwi since busy si Azi kay Safrina. Bakit ba kasi hindi ako magaling magdrive? Edi sana malaya akong nakakapunta kung saan ko gusto.
Magaling nga ako sa mga daan, pero hindi naman ako marunong magmaneho. Nasaan ang hustisya? Para saan pa’t nagkasasakyan ako kung hindi naman ako ang magddrive.
Pagtapak ko sa mall ay agad akong nagtungo sa favorite boutique ko. Ang E. Siguro ay mahigit isang oras na kong namimili ng magagandang damit na bibilhin ko ng may tumawag sakin.
“Gabby?” Aniya. I turned to face the owner of the voice and I swear my mouth hang open.
Agad ko siyang niyakap. “Oh my gosh Ate Louise! I missed you!” Masayang bati ko sakanya. Niyakap din niya ko pabalik.
“I missed you too sweetie.” Aniya.
“Kailan ka pa umuwi Ate?” Tanong ko after ng mahabang yakapan namin.
Ang huling balita ko ay nasa America pa daw si Ate Louise dahil inaasikaso niya ang business ng parents nila doon. She’s Gab Montefalco’s sister. Louise Gianne Montefalco. Close na close kami neto ni Ate Louise. She’s two years older than us pero young achiever kasi si Ate Louise kaya naman maaga palang ay ipinahandle na sakanya ang business nila.
I think she was third year college nung umalis siya. That was two years ago. Doon na niya pinagpatuloy ang pagaaral niya para sabay ng pag-aaral niya ay ang paghahawak niya ng negosyo. She’s one smart, pretty and gorgeous lady, I must say.
“Kahapon lang. Sinong kasama mo? Kasama mo ba si Gab?” Nakangiting tanong niya.
BINABASA MO ANG
My Little Brat
Fanfiction[Almost Perfect Series V + He&She Series II] "You're my business Gabby. Cause youre my little brat."