Chapter 6 - English Report

34.6K 632 56
                                    

Chapter 6

 

Nagising ako ng makarinig ako ng mga boses sa labas ng kwarto ko. I didnt realize it was already morning. Napatingin ako sa cellphone ko, it was 6 in the morning. Maayos naman na ang pakiramdam ko. Hinipo ko yung noo ko at wala na kong lagnat. Nakita ko rin sa gilid ng kama ko yung basin at towel na ginamit siguro kagabi sakin para mawala yung lagnat ko.

In all fairness naman kay Montefalco. Magaling siyang magalaga. Kahit na medyo manyak siya. Bwisit na yun. Alam ko naman na madalas niyang makita yung katawan ko, lalo na pag nag-oout of town kami. Mahilig naman kasi akong magtwo piece sa beach.

Pero iba parin yung sa loob ng kwarto at naghubad talaga ko sa harap niya na tanging brassiere ko nalang ang natira. Pero wala akong nagawa, mamaya totohanin niya yung banta niyang siya ang magpapalit sakin ng damit.

That would be way way worst.

 

“You’re here first thing in the morning Gab. Nangugulo ka ng ganto kaaga. Seriously? You’re smitten.” Rinig kong sabi sa labas ng pinto ko. That was Azi.

 

“Im not! Ichecheck ko lang naman kung nilalagnat pa ba si Gab.” Defensive naman na sagot ni Montefalco. May uwang yung pinto kaya naman rinig na rinig ko sila dito sa kama ko.

“At inuna mo pa talaga pumunta dito kesa asikasuhin yung namiss mong exam kahapon? Gab, majors yun! At malamang hindi ka na bigyan ng make-up exam ni Mam lalo na’t alam niyang nandun ka sa school during lunch time. Bakit naman kasi ang tigas ng bungo mo eh?!”

“I seriously dont care Azi. Wala akong pakialam kay Mam. Edi wag niya kong pag-examin. Ang mahalaga naalagaan ko si Gabby kahapon. It will always be Gabby before anything else Azi.” Tumayo na ko at lumabas ng pinto.

Mukhang nagulat sila sa pagsulpot ko. “Hindi ka nagexam para maalagaan ako kahapon? What were you thinking Montefalco? Kaya ko naman yung sarili ko! And besides, I have Julian naman. He was more than willing to take care of me. Bakit ka pa -”

He immediately cut me off. “A simple thank you wouldn’t hurt Athena Gabrielle.” Malamig na sabi niya. Tinalikuran niya ko at hinarap si Azi. “Mukha namang okay na yang kambal mo. Im going.”

Tapos ay naglakad na siya pababa ng hagdan. Gumapang yung guilt sa sistema ko nang makita ko siyang pababa.

Truly, I was thankful he took care of me. Pero hindi naman ibig sabihin nun na okay lang sakin na hindi siya nakapagexam.

 

I would always carry that thing with me. Na hindi siya nagexam para alagaan ako. To think na major subjects pala yun. I remember Azi ranting about their profs in their majors. Sobrang terror daw. Bagsak kung bagsak. Walang patawad.

“He cares for you Gabby. Hindi ako approved sa hindi niya pagtake ng exam but what you said was a blow for him. Tapos binanggit mo pa si Estrada.” Sabi ni Azi at umiling iling.

Kinurot ko siya sa tagiliran. “Mangonsensya ka pa!”

My Little BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon