Chapter 21 - PDA.

28.7K 557 36
                                    

Chapter 21

 

It was two weeks after that incident when we decided to go on a vacation. Pasukan na next week kaya naman nagpasya kaming mag-out of town para makapagrelax bago sumabak uli sa gyera.

I’ll start working on my portfolio next semester. And Im sure as hell I’ll be damn busy.

This vacation, would be my only time to relax. I hope.

“San ilalagay tong ibang bag?” Tanong ni Angel. Yes, kasama siya. Of course, she’s Montefalco’s girl.

After nang nangyari two weeks ago ay nagkaayos narin si Azi at Gab. Medyo inabot lang ng ilang araw ang galit ni Azi kay Gab dahil sa hindi neto pagpunta sakin pero napatawad na niya si Gab.

As for me and Gab. We’re fine, I guess. Not in speaking terms though. He tried to ask for an apology for what happened. Aniya ay dapat daw pinuntahan niya muna ako. Kaso syempre uunahin niya ang girlfriend niya.

Oh hell, she’s the priority.

It was Angel over anybody now. And I get that. Really.

Isang van nalang kami papunta sa resthouse nila Gab sa Batangas para daw hindi na hassle at makapagparty party kami habang nasa daan. Couple couple din ang peg namin.

Meg’s with her suitor, Paolo.

Azi’s with Safrina, of course.

Kuya Kevin and Aliah, one of his flings.

Gab and Angel.

At ako, with Julian.

Ang nakaka-overwhelm na pangyayari ay yung biglang paguwi ni Julian sa Pilipinas. He was supposed to have his vacation in Singapore but the moment he heard about what happened to me ay umuwi agad siya. Aniya ay hindi man lang siya umabot ng isang araw doon at bumalik agad siya para icheck ako.

It made my heart melt. He’s really caring. Really really caring. And sweet, even.

Nang matapos kami sa pagayos ng pwesto namin sa van ay nagumpisa nang magmaneho si Kuya Kevin. Katabi niya sa harap si Aliah. Sa unang row ng van sila Meg at Paolo. Sa pangalawa ay kami ni Julian. Sa likod namin ay si Gab at Angel. At sa pinakalikod ay sila Azi at Safrina.

“Stop over tayo mamaya Kevs!” Sigaw ni Azi mula sa likod.

Oo nga pala, hindi pa kami nakain ng almusal. Alas-sais palang ng umaga ay umalis na kami sa bahay.

Habang nasa byahe ay full blast ang music ng van. Kahit masaya ang music ay hindi ko maiwasang hindi antukin. Maaga palang ay gising na kami.

Napahikab ako at automatic na kinabig ako ni Julian at niyakap. Hinayaan niyang isandal ko ang ulo ko sa dibdib niya.

My Little BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon