Chapter 40
“Let go.” Matigas na sabi ko.
Mas humigpit yung yakap niya sa tuhod ko. “Please. I love you, Gabby. Mahal na mahal kita. Naging duwag ako noon. But I’ve learned my lessons. Please, baby. Give me another chance. Just this one baby.” Pagmamakaawa niya sakin.
Kumirot ang puso ko sa mga binitiwan niyang salita.
Pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil sa ginagawa ni Montefalco but I didnt budge. Wala akong pakialam. Pagusapan nila kami kung gusto nila, I dont care anymore.
“Ive learned my lessons too. Im done.” Malamig na sabi ko at sapilitang kinalas ang pagkakayakap niya sa binti ko. And I’ve succeeded. Bahagyang lumuwag ang pagkakayakap niya sa binti ko kaya nakaalis ako agad.
Dali dali akong umalis doon at tinungo ang penthouse ko. Doon ako nagmukmok at umiyak ng umiyak.
Wala akong makita kundi puro dilim. Sinubukan kong kumapa ng kahit ano pero para akong nasa isang maliit na kwarto.
Nasusuffocate ako.
Nagumpisa na akong mahirapan huminga.
Then I heard it again. Yung iyak ng baby.
I tried to shout pero walang lumalabas sa bibig ko. Patuloy lang sa pagiyak yung baby. Palakas ng palakas yung iyak niya.
“AHHHH! TAMA NA!” Sigaw ko.
Napaupo ako sa kama ko at ramdam ko ang bawat butil ng pawis sa mukha ko. Nahawakan ko din ang mga luhang kumawala sa mata ko. Napanaginipan ko na naman yun. Sinabunutan ko ang sarili ko.
“Damn it! Damn it!”
Nagulat ako nang bumukas yung pinto ng kwarto ko. “GABBY?! Anong nangyari?” Sigaw nang kakapasok lang na si Montefalco.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. “Narinig kitang sumigaw. What happened?”
Nanatili ang titig ko sa kamay naming magkahawak. Hindi ko napigilan ang sarili ko at nayakap ko siya. Doon ko iniyak ang sakit. Ilang beses na kong umiyak simula nang mawala ang baby ko, I lost count already. Pero ngayon, ngayon ko lang nailabas lahat ng sakit.
“Ang sakit sakit.” I mumbled and hugged him tighter. Walang tunog yung iyak ko pero ramdam na ramdam ko yung pagkabasag ng buong pagkatao ko. Na para bang kakamatay lang ng anak ko kanina. Na para bang kanina lang nangyari ang lahat.
Hinagod niya ang likod ko at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. “Im here baby.” Aniya.
Patuloy lang siya sa paghagod niya sa likod ko. He kept murmuring that he loves me, that he’s sorry, and that he won’t ever leave me.
I hugged him and wished na totoo lahat ng sinasabi niya. I really wish he wont leave me. Mababaliw na ako nun nang tuluyan.
Kinabukasan paggising ko ay ramdam ko ang pananakit ng ulo at mata ko. Siguro ay dahil sa magdamag kong pagiyak. Halos isa o dalawang oras lang ata ako nakatulog. Ayaw ko pa nga sanang matulog.
Nabanggit ko kay Montefalco yung mga panaginip ko. Niyakap niya lang ako at sinabing hindi niya hahayaang managinip uli ako nang ganun, well atleast not alone.
Lumabas ako ng kwarto ko at naamoy ko agad ang mabangong amoy galing sa kusina.
Hindi ko pinaramdam na gising na ako. Tinitigan ko lang siya habang magiliw siyang nagluluto. Mahal nga ako nang lalaking to. He kneeled in front of many people yesterday, tapos nang tanungin ko siya kung anong ginagawa niya kagabi dito ay nasa labas lang daw siya ng unit ko. Gusto niya daw akong kausapin uli pero nagulat daw siya nang marinig ang sigaw ko.
“Some people are just worth melting for.” Aniya na ikinagulat ko. Nasa harap ko na pala siya at may malaking ngiti sa labi niya. “Good morning, brat.”
Napangiti ako. “Morning.”
Kinabig niya ko para yakapin. Niyakap ko rin siya. “So?” Aniya habang magkayakap parin kami.
“Anong so?” I asked. Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya. Ang bango niya!
“Tayo na?” He asked me.
Bahagya ko siyang tinulak. Nakita ko pa ang pagkunot ng noo niya sa ginawa ko. “About that.” I started.
Nakaabang lang siya sa sasabihin ko. “Can we take everything slowly? Siguro ang mali natin noon ay masyado tayong naging impulsive sa nararamdaman natin. I want to take everything slowly. Unti-unti Montefalco. Pwede ba yun?” Sabi ko at binaba ang tingin sa mga daliri kong naglalaro.
Im willing to let him in my life again. But I want to make things right this time. Ayoko nang magmadali. Naging mabilisan ang aminan namin noon kahit na may girlfriend pa siya, kaya naging mabilisan rin lang ang kasiyahan namin.
And I dont want temporary happiness.
I want him in my life and this time, for good.
“Anything you want, my little brat.” Aniya sabay siniil ako ng halik. It was soft, passionate, full of love. Nakakalunod. Nakakabaliw. Nakakapanghina. Parang niyanig ang buong pagkatao ko.
Nang maghiwalay ang labi namin ay pinagdikit niya ang noo namin. “Slowly nga diba.” Paos boses kong sabi.
He smiled. “I love you.” Aniya.
“I love you too.” I responded.
Okay Gabby? What happened to take everything slowly?!
---------------------
Wasn't able to update for days due to family reunions and YOLO mode. Hahaha.
MERRY CHRISTMAS EVERYONE. (Kahit late.) :D
Anyways. Lets tweet. @asdfghjessWP <3
PSSSS. THE END IS VERY VERY VERY NEAR. <3
BINABASA MO ANG
My Little Brat
Fanfiction[Almost Perfect Series V + He&She Series II] "You're my business Gabby. Cause youre my little brat."