Chapter 12
(PS. Walang kinalaman yung MV sa gilid. But nakaka-LSS siya so pakinggan niyo din. <3)
The next days after that night was a blur. Gab was acting weird. I mean not weird. He’s acting all okay. And that’s enough reason for me to call it weird.
Parang bang walang nangyari nung gabing yun. He’s acting as if walang heartless at Julian issue. Normal lang siya, madalas parin punahin ang whereabouts ko, madalas parin paiba iba yung kasamang babae. Normal.
“Hi brat.” Masiglang bati niya sakin.
Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ko ang pagkain ko. I was having my brunch ng dumating siya. Saturday naman ngayon kaya naman kakagising ko lang kahit na 1 na ng hapon. Perks of being free on weekends.
“Labas tayo?” He asked me.
“No.” I simply said. Labas daw? Akala mo naman close kami para ayain akong lumabas.
He smiled and sat on the chair beside me. “Edi dito nalang tayo. Movie marathon. Or magbake ka ng cake, I’ll watch you. We can go swimming. Or we can –”
I immediately cut him off. “Ano bang trip mo Montefalco?” Malamig kong tanong.
He was acting strange these past few days pero malala ang isang to ngayon. Ayain ba akong magmovie marathon at magswimming? Close ba kami?
“Cause as far as Im concerned, we are not on speaking terms. We’re not friends. So anong trip mo?” Dagdag ko pang sabi sakanya.
Inilapit niya yung mukha niya sa mukha ko. Naamoy ko yung mabangong hininga niya. Konti nalang ay magdidikit na yung mga ilong namin. “I just wanna spend time with you. Like the good old days.” Nakangising sabi niya.
Tumayo ako sa upuan ko at tinalikuran ko siya. “Good old days before everything went go haywire and fucked up. You can always invite your whores to hang out with you. Dont even try to bother me again, wala kang mapapala sakin Montefalco.” Deretsong sabi ko bago ako umakyat papunta sa kwarto ko.
I didnt looked back at him cause I dont want to see the pain in his eyes anymore. Ilang beses ko na ba yun nakita? I lost count. Magaling na artista yan si Montefalco. Napaniwala niya nga ako nun na si Hanna daw yung dahilan para halikan niya ko nung araw na yun pero nung nagkausap kami ni Hanna, half day lang daw pala siya nun sa school. So she was not there. Hindi siya yung dahilan bat ako hinalikan nun ni Gab. Sinadya niya yun para guluhin ang buhay ko.
Kaya hindi niya ko masisisi kung hindi ko na siya kayang pagkatiwalaan uli. He’s pure evil. At sa dami ng babae niya, hindi ko alam kung ano pa bang kailangan niya sakin. I get that his purpose in life was to ruin mine. Pero kulang pa ba? Nasira na niya ang fairytale ko.
Bago pa man ako makapasok sa kwarto ko ay nabuhat na niya ko. Yung parang sako.
“Ibaba mo ko Montefalco!” I yelled at the top of my lungs. Wala sila Mommy ngayon, nasa Cebu parin sila. Si Azi naman may date daw. Kaya kahit magsisigaw ako dito ay wala namang ibang makakarinig kundi yung mga katulong. They wont even budge dahil kilala naman si Montefalco sa bahay.
Hindi siya nagsalita at binuhat lang ako paakyat ng hagdan. “Damn it Montefalco! Ibaba mo ko sabi!” Sigaw ko parin. Sinusuntok suntok ko yung likod niya. Hindi naman malakas pero enough para isipin niyang ibaba na ko.
“Stop punching my back brat. Baka mahulog tayo pareho.” Nagbabantang sabi niya. That made me stop. Nasa hagdan nga pala kami. Bwisit ka Montefalco!
“Put me damn down Montefalco! Hindi na ko natutuwa!” Sigaw ko sakanya. Feeling ko mababasag na yung vocal chords ko kakasigaw.
Umamba siyang ihuhulog niya ko kaya napakapit ako sa bewang niya. “DAMN IT MONTEFALCO!”
“No can do, brat.” Natatawang sabi niya.
Buhat niya ko hanggang sa makarating kami sa movie room namin. Ibinaba niya ko. Buong kwarto na to ay parang isang malaking kama na maraming unan. Tapos ay may screen na kasing laki ng sa mga sinehan sa mall. I specifically designed the room. Ako ang may gusto na ganto ang itsura ng movie room dahil mahilig kami manuod ng movies ni Seb nun. But I didnt even dare to come here for the past three years of my life.
Puno ang lugar na to ng masasayang memories namin ni Seb and I think it would be my death going back here. Pero tangina lang talaga neto ni Montefalco.
Tumalikod ako at ambang lalabas pero hinila ako pabalik ni Montefalco kaya napahiga ako.
“ANO BA!” Patili kong sigaw dahil sa gulat.
“You’re not going anywhere. Bumili ako ng chick-flicks movies.” Inangat niya yung kamay niyang may mga bagong movies.
Fault In Our Stars, What If, If I Stay, at The Best of Me.
Parang feeling ko tagabundok ako dahil hindi ko pa napapanuod ang mga yun. Ayaw ko kasing manuod ng chick flicks. It would only bring back old memories and I will end up crying.
“Manuod ka kung gusto mo. Babalik na ko sa kwarto ko. Marami pa kong gagawin.” Sabi ko.
He held my arms. “Wala kang gagawin. Its your free day today, brat. I know. Kaya dito ka lang. Panuorin natin tong mga to.” Aniya.
Wala akong nagawa. Humiga lang ako doon. “Stalker talaga.” Sabi ko.
Paano niya naman nalaman na free day ko? Napakastalker mo talaga Montefalco.
“Ang gwapong stalker ko naman, brat.” Nakangising sabi niya.
Binato ko siya ng isang unan. “Asa ka pa, Montefalco.”
BINABASA MO ANG
My Little Brat
Fanfiction[Almost Perfect Series V + He&She Series II] "You're my business Gabby. Cause youre my little brat."