Special Chapter B

51.6K 864 120
                                    

Special Chapter B

 

“Here’s your baby. See. Maliit palang siya dahil 8 weeks pregnant ka palang naman Misis.” Sabi ni Doctora nang magpaultrasound kami.

Hindi siya pumayag na lalaki ang magiging OB ko, kahit noon pa man ay sinabi niyang gusto niya babae. Sus, pati doctor ay pagseselosan.

Nang sabihin ko kanina kay Gab na magiging Daddy na siya ay masayang masaya niya kong niyakap at pinaikot ikot. He’s really happy. And so am I.

Agad niya kong pinagbihis para daw makapunta kami agad kay Doctora dahil gusto niya na makapagpacheck up agad kami. Gusto niya raw malaman ang dos and donts ng pagbubuntis ko.

Maingat niya kong inalalayan pababa ng hagdan kanina at maingat din siyang nagmaneho papunta sa ospital. Medyo OA siya pero gusto niya lang daw ingatan ako ngayon, because he failed to do this on our first baby.

“Let me do this Mommy. I failed to take care of you before kaya nawala ang anak natin. And I wont let that happen this time around. So please, let me take care of you.” Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

 

I squeezed his hand. “Daddy, hindi na mangyayari yun. Stop thinking about that.”

 

I want to start anew. Ngayong buntis na ko ay gusto kong kalimutan na namin pareho ang masakit na alaala nang pagkawala ng baby ko noon. I just wanna be the best mother for my future baby, and in order to do that, I have to let go of my baggage from the past.

 

Napatingin ako kay Montefalco. Nakita kong teary eyed siyang nakatingin sa tinuturo ni Doctora. Nangingilid ang luha niya pero nakangiti siya. I cant help but to get teary eyed too. Finally! Mabubuo na ang pamilya namin ni Montefalco.

“Kailangan mong ingatan ang sarili mo Mrs. Montefalco. This is crucial dahil sa miscarriage mo noon. You have to be extra careful this time. I will give you vitamins para mas kumapit ang baby at para maging healthy kayo parehas.” Sabi ni Doc.

“Doctora, may mga bawal po ba siyang kainin? Or bawal gawin?” Sabi ni Montefalco sa tabi ko.

Napangiti ako. Sobrang hands-on niya talaga. I mean, ganto naman talaga siya noon kahit hindi pa ko buntis pero mas maasikaso siya ngayon.

“Wala namang bawal kainin. Pero bawal lang siyang magpakapagod. She needs to eat healthy foods, gulay at fruits. Milk, twice a day para sa buto ng mag-ina mo. Bawal siya uminom ng alak, bawal sa masyadong usok ng sigarilyo. This few weeks magsstart na siyang magcrave. Maglihi. Kailangan ibigay mo ang gusto niya dahil bawal mastress si Misis. Okay mister?” Bilin ni doctora kay Montefalco.

Kita kong nirecord niya yung mga sinasabi ni doc sa cellphone niya. “You also have to go here monthly para sa monthly check up ni Misis.” Sabi pa ni doc.

“Isa pa po pala doc. Pwede parin po ba kaming magsex?” Mabilis ko siyang kinurot sa tagiliran. Sobrang bulgar talaga! Tsaka kailangan pa bang itanong yun!

My Little BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon