Chapter 20 - Just a f-cking option.

27.5K 586 106
                                    

Chapter 20

Nang magising ako ay naramdaman ko agad ang panghihina ng katawan ko. I weakly opened my eyes and I cursed to myself.

Nasa ospital ako.

I can easily say that seeing this dextrose in my hand and all the white walls around me. Hindi parin ako makabangon kaya hinayaan ko lang ang sarili kong humiga muna.

Napahawak ako sa ulo ko. Bakit may gauze sa may noo ko?

Wala akong maaninag na tao sa kwarto kaya palaisipan kung sino ang nagdala sakin dito. May guard bang nakakita sakin kanina nung bumagsak ako sa school? Or a schoolmate? I dont really know.

Naputol ang pagiisip ko ng may magsalita sa may pintuan.

"You're awake." Aniya. Husky ang boses niya at lalaking lalaki. Boses palang ay makalaglag panty na.

Really Gabby? Yan pa ang naisip mo sa gantong sitwasyon.

Unti-unti kong hinarap kung sino ang nagsalita. And I swear I felt my jaw drop. Ang gwapo! No, gwapo would be an understatement. He's...damn. Hot.

He's wearing a gray polo. Tinupi niya ang long sleeves hanggang siko. He was holding a cup of Starbucks in his hand. He has this Christian Grey-ish aura.

Eto ba yung doktor ko? Juice colored! Ang gwapo!

Kaya lang parang hindi naman doktor yung aura niya. I mean, mukha siyang businessman. CEO to be exact na kakagaling lang sa meeting.

Pero ang bata naman neto para sa CEO at doktor. Ay ewan, itatanong ko na nga lang.

"Are you my doctor?" I asked him. Mahina lang dahil nanghihina parin ako.

His forehead creased. "No."

Napakunot noo ako. "E-Eh sino ka?"

"Drake Christian Marco. At your service." Aniya. Tuluyan na siyang pumasok ng kwarto. "Ako ang nagdala sayo dito." He fished out something in his pocket. Nilabas niya ang cellphone ko.

"Thats my phone." Sabi ko.

He nodded. "I tried to open it para matawagan yung parents mo. Apparently, I cant. There's a lock code."

I nodded my head. "0326. Call Azi."

Sumunod naman siya sakin. "Hello?" He started. Niloud speaker niya para marinig ko.

"Sino ka? Nasan si Gabby? Why do you have her phone?" Sunod sunod na tanong ni Azi sa kabilang linya.

I rolled my eyes. Ang daming tanong.

"St. Lukes. Room 406." Ani Drake sabay baba ng phone.

My Little BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon