Special Chapter A

34.4K 658 65
                                    

Special Chapter

 

ATHENA GABRIELLE P. MONTEFALCO

 

Pagmulat ko ng mata ko ay nakita kong kakatapos lang maligo ni Gab. Kinusot ko ang mata ko. “Morning.” Sabi ko.

Tumingin siya sakin mula sa salamin at ngumiti. “Good morning, wifey.” Sabi niya sabay lumapit sakin para halikan ako ng mabilis.

Napatakip ako ng bibig ko. “Ano ba!” Inis na sabi ko. “Di pa ko nagtotoothbrush.” Mahinang dugtong ko sa sinabi ko.

Ngumisi lang siya at inalis ang kamay ko sa bibig ko bago ako bigyan ng malalim na halik. Matagal at halos mabaliw ako sa halik na binigay niya. Kahit na halos maya maya niya ko halikan pag magkasama kami ay hindi ko parin magawang masanay sa mga halik niyang nakakabaliw.

Damn this man!

 

Ilang minuto bago kami naghiwalay. “Sarap.” Nakangising sabi niya.

Hindi ko mapigilang hindi siya sapakin sa braso. Leche talaga!

 

Nasa kalagitnaan kami ng pagtawa ng maamoy ko siya. Mabilis kong tinakpan ang ilong ko. “Ang baho! Anong amoy yun!” Sabi ko sabay pilit nilalayo ang katawan niya sakin.

Inamoy niya ang sarili niya. “Pabango ko lang yun wifey. Paano naging mabaho? Eh diba ikaw ang pumili non para sakin?” Nagtatakang sabi niya.

Totoo naman, last month ay ako ang pumili ng pabango niya noong pumunta kaming Hongkong. Pero hindi ko alam kung bakit ang baho nun sa pangamoy ko ngayon.

Lumapit pa siya sakin. “Gumagawa ka lang ata ng dahilan para hindi ako makascore ngayon eh.” Mapanuksong sabi niya.

“Basta ang baho mo! Lumayo ka nga!” I hissed before getting up.

“Wifey naman.” He said almost pleading.

Umiling ako. “No. Dont you dare come near me kung ganyan yung amoy mo.” Sabi ko bago ako lumabas ng kwarto namin.

Paglabas ko ay agad kong nakita ang wedding picture namin. Ang bilis ng panahon, it has been almost 9 months after our wedding. Dito kami tumira sa bahay na binili niya daw bago pa niya ko puntahan sa New York.

Hindi naman siya masyadong handa diba?

 

Inasar ko pa siya noon dahil sabi ko paano pala kung hindi ako pumayag na bigyan siya ng chance, edi nasayang ang bahay. Aniya ay sigurado naman daw siyang uuwi siya ng Pilipinas na kasama ako. Hindi na ko nakipagtalo pa, mayabang ang napang-asawa ko, isa yun sa mga nagustuhan ko sakanya.

Bumaba ako para magluto ng breakfast, eto na ang nakasanayan namin. Sa loob ng halos nine months naming mag-asawa ay hindi kami kumuha ng katulong. Ayaw ni Gab actually. Gusto niya daw na kami lang sa bahay. Sa pagsasama namin ay natuto narin akong magluto. Okay medyo. Okay, ng prito.

My Little BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon