Chapter 32
"Wag ka na munang pumasok ngayon ah. I wanna spend the entire day with you." Aniya.
Hindi na ko tumutol. Gusto ko rin naman siyang makasama ngayong araw. Namiss ko siya ng sobra.
Simula kasi noong naging sila ay umiwas na ko sakanya. Namiss ko yung pagiging protective niya sakin. Namiss ko yung pag pinapagalitan niya ko. Namiss kong tarayan siya.
"Alam mo, konti nalang tunaw na ko." Sabi niya habang nakatitig sakin at nagpupunas ng kamay.
Kakatapos niya lang maghugas ng pinagkainan namin, hindi talaga siya pumayag na hindi madami ang kainin ko kanina. Ramdam na ramdam ko tuloy yung pagkabusog. Feeling ko kahit buong araw akong hindi kumain ay busog parin ako.
I bit my lip. Hindi ko kasi siya maiwasang hindi titigan. Hindi parin ako makapaniwala na nandito talaga siya at mahal niya talaga ako. This whole thing felt surreal.
Naramdaman ko nalang bigla yung labi niya sa labi ko. Mabilis na nanlaki ang mata ko. "Magnanakaw ng halik!" I yelled.
He smirked. "Thats for biting your lips. Dont ever do that again, brat. Thats my job." Sabi niya nang nakatingin sa labi ko.
Namula ako sa sinabi niya. "Perv ka talaga Montefalco!" Sabi ko sabay marcha pabalik sa sala. Narinig ko ang marahang pagtawa niya.
Manyak!
"Usog ka nga brat." Aniya sabay pilit akong pinapausog. Nakaupo ako sa couch at pilit niya kong inuusog.
I narrowed my eyes. "Ang laki laki ng space don oh!" Turo ko sa kabilang couch. Bakit ba niya pinagsisiksikan ang sarili niya dito eh pwede naman doon.
"AY!" Napatili ako ng buhatin niya ko sabay siya ang umupo at pinaupo niya ko sa hita niya.
"There." Aniya.
Marahan ko siyang pinalo sa dibdib. "Hay nako Montefalco. Umaandar ang pagiging clingy mo. Pwede naman ako doon sa isang couch." Sabi ko sabay nguso sa kabilang couch.
Mabilis na naman niya kong ninakawan ng halik. Napatakip ako ng bibig ko. "Nakakarami ka na ah!" Sabi ko.
Ngumisi lang siya bilang sagot.
"Nabusog ka ba?" Tanong niya sakin.
"Sobra kaya! Hanggang gabihan na ata yung pinakain mo sakin eh." Sabi ko naman.
"Okay pahinga muna tayo." Aniya sabay hilig ng ulo niya sa leeg ko.
Napaigtad ako ng bigyan niya ng mga halik ang leeg ko. "Damn Montefalco!" I hissed.
"You smell so damn good brat." Aniya at pinagpatuloy ang ginagawa niya.
BINABASA MO ANG
My Little Brat
Fanfiction[Almost Perfect Series V + He&She Series II] "You're my business Gabby. Cause youre my little brat."