Chapter 18 - Montefalcos.

25.8K 591 75
                                    

Chapter 18

 

Ilang minuto rin akong napatanga sa sinabi ni Ate Louise. She thought I was Gab’s girlfriend. Oh good God.

 

Marahan akong umiling. “Hindi Ate.”

“Anong hindi?” Takang tanong niya sakin.

Bago pa man ako makasagot ay may pumasok na sa pinto ng bahay nila. Hindi na ko nagulat ng makita si Angel sa may pinto. Mabilis niya kong nakita kaya naman lumapit siya sakin.

“Hi Gabby!” She hugged me. “Anong ginagawa mo dito?” She beamed.

I frowned. “Bawal ba ko dito?” I asked coldly.

Pakiramdam ko nakakainsulto yung pagtanong niya na anong ginagawa ko sa bahay ng boyfriend niya. Well, sorry, hindi umiikot yung mundo sa boyfriend mo. At hindi siya ang ipinunta ko dito.

Minsan talaga kusang lumalabas yung pagkabrat ko. Hindi ko na napipigilan.

“Sorry, I didnt mean it like that.” Ani Angel.

Sorry din pero walang sasantuhin ang brat side ko ngayon. You wouldnt really wanna see my brat side, Angel. But somehow you pushed my button.

“Stop it brat. Tinanong ka lang naman niya!” Inis at halos pasigaw na sabi ni Gab na nanggaling pa sa kusina nila. Oh great. The boyfriend is here.

 

Go on knight in shining armor, save your damsel in distress.

 

I shooed my thoughts away. Ano nga bang dahilan bakit agad na uminit yung ulo ko. Oh damn, this isnt healthy anymore.

 

“Dont shout at Gabby, Gabriel!” Bantang sabi ni Ate Louise. Andito nga pala siya. Damn. Ano ba tong nangyayaring to. Mabuti pa umalis nalang ako. Magpapaalam na ko ng magsalit ulit si Ate Louise. “Who are you?” Baling niya kay Angel.

She smiled, exposing her perfect white teeth and her dimples. “Im Angel.”

“My girlfriend.” Dugtong na sabi ni Gab sabay hapit sa bewang ni Angel. Halos malaglag ang panga ni Ate Louise sa narinig.

Napatingin siya sakin bago ibinalik ang tingin sa dalawa. She kept her cool. She remained calm. Of course, she’s the Louise Gianne Montefalco, she’s always calm. Prim and proper. Pero dahil malapit kami ay alam kong hindi niya nagustuhan ang narinig niya.

Calm on the outside but raging on the inside. Louise Gianne Montefalco, everybody.

“Girlfriend huh.” She smirked. “Im Louise Gianne Montefalco. Gab’s older sister.”

“What’s happening here?” Lumabas si Tita Ysabel sa kusina nila. “Why are you shouting at Gabby, Gabriel? Is that how you treat your girlfriend?!” Seryosong sabi niya.

My Little BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon