Chapter 30 - Yun ang problema ko.

32.4K 687 146
                                    

Chapter 30

(Song for this chapter ->)

 

Its been a week after magkasakit ni Drake. Everything’s going smoothly. Yeah, maybe not everything. Maayos naman sa E. Maraming offers ang natanggap ko na magmodel para sa iba’t ibang clothing line pero lahat ay dinecline ko. May nagoffer pa sakin na sumali sa Star Magic pero hindi ko pinaunlakan yon.

Hindi sa nagmamataas ako pero mas gusto ko ng simpleng buhay. Yung tahimik. Ayoko sumikat ng boom. Hindi ko kakayanin yung pressure pag sikat ka. Lahat ng kilos mo ay susubaybayan ng mga tao. Mawawalan ka ng privacy. Lahat ay open sa public. And I hate that.

Naging maayos ang lahat maliban sa puso ko. But Im trying to heal. Balik ulit ako sa pagiwas kanila Angel at Montefalco. Tinoon ko ang pansin ko sa trabaho. I have to forget this feelings. I need to bury this deep. I have to. I need to. Pagod na kong masaktan.

As for Drake, he’s courting me. Yes. Hindi ko alam kung anong nangyari basta isang araw ay nagising nalang ako na puro rose petals ang kwarto ko na nagmistulang umulan ng rose sa kwarto ko lang. Tapos ayun, nililigawan na niya ko.

Approve naman sila Mommy sakanya. Mabait, gwapo at responsable si Drake. Kahit sinong magulang siguro ay gugustuhin ang katulad ni Drake para sa anak nila.

Hanggang sa office ay kalat narin na nililigawan niya ko, siguro dahil sa araw-araw na bouquet na dala ko papasok, o sa pag-hatid at sundo niya sakin o kaya sa paglunch namin lagi together. Hindi ko alam basta alam na ng lahat ang tungkol sa panliligaw niya. Magaling mangbakod ang isang to eh.

Hindi ko naman itatanggi na kinikilig ako sa efforts na pinapakita ni Drake sakin. Simula nung gabing umiyak ako sa yakap niya ay naging doble talaga ang atensyon na binigay niya sakin. Manliligaw duties daw.

“Good afternoon, Sir.” Ani ng mga kasamahan ko sa floor ko nang dumating si Drake.

He smiled at binati rin sila. Sabi ng mga kasama ko, mas naging mabait at masiyahin daw si Drake dahil sakin. I doubt that though. Mas naging open lang siguro siya sa mga empleyado niya dahil dito ako nagiintern.

“Good afternoon, mi lady. Ready?” Aniya sabay ngiti. Yung makalaglag panty na ngiti.

Naramdaman kong umakyat lahat ng dugo sa mukha ko. Tuwing tatawagin niya kong mi lady sa harap ng mga kasamahan ko ay hindi ko maiwasang hindi kiligin. Hindi siya nahihiyang ipakita sa lahat yung nararamdaman niya para sakin. That itself was an enough reason for me to blush like a red tomato.

I nodded. May usapan kasi kaming magdidinner ngayon. Dinner date daw. Daming alam.

Pagdating namin sa resto ay agad kong napansin na hindi kami sa loob ng resto papunta. He lead the way to the garden. At nandoon ang lamesang nakahanda para saming dalawa.

Inalalayan niya ko paupo. “Thank you.” Sabi ko pagupo ko. Agad naman siyang umupo sa harap ko.

Napakagwapo talaga ng isang to, no wonder maraming nahuhumaling sakanya. Kanina lang papasok sa resto ay halos mabali na ang leeg ng mga babaeng lumilingon sakanya. Ang swerte ng babaeng mamahalin niya.

My Little BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon