Chapter 24
Maaga akong nagising at agad akong naligo. This would be a good day. I hope. I really hope.
I did my morning rituals tapos ay nagpunta ako sa walk-in closet ko. Ngayon ay sising-sisi ako kung bakit hindi ko pa hinanda yung damit na gagamitin ko ngayong araw.
Nilapag ko sa couch yung ilang damit. May cream colored dress, may loose pants, cropped tops, shorts at long sleeves. Ano nga bang susuotin ko? Damn shet. Baka malate ako kakapili ng damit!
I opted to wear the loose gray pants na parang jogging pants at cropped top. Sabi nga pala nila, mas maganda daw kung komportable yung suot ngayon. I grabbed one of my newly bought heels.
I dried my hair and tied it in a messy bun, exposing my side bangs. Kinulot ko yun ng kaunti para bumagay sa bun ko. Tapos ay nagayos na ko ng sarili, I applied light foundation and link lipstick.
Tinignan ko yung sarili ko sa salamin, ang dami nang nagbago. The way I dress, the way I look, my hair na pinagupitan ko hanggang balikat ko nalang, everything. Halos lahat ay nagbago na, yung nararamdaman ko nalang ang hindi.
Oh damn shet! I dont have time for dramas today.
First day ko bilang intern sa E. As Ive said before, pangarap kong mapasok dito, kaya naman ginalingan ko talaga yung pagdesign ko sa portfolio ko.
Isang taon narin ang lumipas, ang bilis ng panahon. Para kahapon lang ay nagpapakalasing pa ko dahil sa sakit na dulot ni Montefalco sakin, ngayon ay maguumpisa na kong pumasok sa kompanyang pangarap ko.
Pagbaba ko ay naabutan ko si Azi na kumakain magisa, nasa Cali sila Mommy. Inaasikaso yung negosyo doon.
"Good morning Azi!" Masayang sabi ko. I leaned and kissed his cheek.
"You look happy." Aniya.
I nodded my head and smiled. I am happy. "Of course Im happy. First day ko ngayon." Sabi ko.
He nodded. "Oo nga pala. I know you'll do good." Aniya sabay ngiti.
"Ikaw kailan ka ba magstart?" Since business management sjya, sa company siya magiintern. Feeling ko hindi siya papahirapan doon dahil anak siya ng mayari ng kompanya.
"Tomorrow." Aniya sabay tayo. He leaned and kissed my forehead. "Alis na ko. May date kami ni Safrina."
Yes, they're still together. Im actually very happy for the both of them. They're so in love.
"Goodluck sa first day! And take care, okay?" Aniya pa bago lumabas ng bahay.
I let out a flying kiss. "Bye brother!" Sabi ko.
Nang matapos ako kumain ay lumabas na ko ng bahay at dumeretso sa sasakyan ko. Isa rin to sa mga nagbago, marunong na ko magmaneho kaya naman hindi ko na kailangan ng taga hatid at sundo.
BINABASA MO ANG
My Little Brat
Fanfiction[Almost Perfect Series V + He&She Series II] "You're my business Gabby. Cause youre my little brat."