Chapter 38 - The chase.

30.6K 637 111
                                    

Chapter 38

 

It has been a month since Drake and I got here in New York. Wala akong ibang ginawa buong buwan kundi magpagaling at aliwin ang sarili ko para kahit papaano ay hindi ko maalala ang mga nangyari sa Pilipinas.

May bahay sila Lolo Teddy dito pero hindi ako doon nagstay. Kumuha ako ng sarili kong penthouse. Masyadong malaki ang bahay nila Lolo dito para sa akin, at isa pa, mas madali na sa penthouse ako magstay para malapit sa E.

Ngayon ako official na magsstart sa E dahil halos isang linggo palang mula nung maging ayos ang paglalakad ko. Halos araw araw din after work ay nandito si Drake sa penthouse ko, para ipagluto ako, para alagaan ako at para samahan ako. Aniya ay wala naman siyang kasama sa penthouse niya kaya dito nalang siya makikikain.

If I didnt knew any better, maniniwala ako. Pero alam kong sinasamahan niya ako para kahit papaano ay mawala sa isip ko ang baby ko.

May mga pagkakataon na dito ko siya pinapatulog. Tatawagan ko siya in the middle of the night para samahan ako dito. Hindi naman talaga kami tabi sa kama, minsan ay sa couch siya sa kwarto ko natutulog. May mga pagkakataon kasi na nananaginip ako.

Masamang panaginip. Nasa isang madilim na lugar ako at puro iyak ng baby lang ang naririnig ko. Nagpaconsult narin kami sa doctor tungkol sa nightmares ko, sabi niya ay normal yon sa babaeng nakaranas ng miscarriage.

“Good morning By.” Bungad ni Drake paglabas ko ng kwarto ko. Nasanay narin ako na tuwing umaga ay nandito siya para ipagluto ako ng breakfast. Medyo nagiging dependent ako kay Drake dahil wala naman akong alam sa gantong bagay.

“Good morning.” Bati ko sakanya.

“Ready for your first day?” He asked me while preparing the table for the both of us.

I nodded sabay umupo sa upuan. Ready naman na ko. Yung internship ko sa E noon ang nagready sakin para sa totoong trabaho ko. Isa pa ay kasama ko naman doon si Drake, sabi niya, aalalayan niya muna ako sa unang linggo ko hanggang sa masanay na ko sa trabaho ko.

Two weeks ago ay graduation ko sa Pilipinas. Graduation naming lahat. Too bad I wasnt able to attend that special event. Nagawan lang ng paraan nila Mommy na makuha ko ang diploma kahit wala ako doon. Dumalaw din sila dito after graduation. Dito kami nagcelebrate.

Azi’s now doing good handling our business. Aniya ay nagsstart palang naman siyang itrain para sa mas malaking responsibilidad kaya kailangan niya talagang galingan.

Natapos ang buong araw ko sa trabaho at masasabi kong masaya naman. Masaya dahil mababait naman ang kasamahan ko, medyo namimiss ko lang sila Julie na kasama ko sa E sa Pinas pero tingin ko ay makakasundo ko naman lahat ng kasama ko ngayon. Puro pinoy ang kasama ko sa trabaho, ani Drake ay hindi sila kumukuha ng foreigner na empleyado kahit na nasa NY kami.

“Good. Mababait ang kasama ko at hindi sila mahirap pakisamahan.” Sabi ko nang tanungin ako ni Drake kung kamusta ang first day ko.

“That’s good. Medyo naging busy din ako kanina sa bagong client ng E eh.” Aniya habang nagluluto ng pasta na pagkain namin ngayong dinner.

My Little BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon