Chapter 8 - Never was. Never will.

31.9K 690 177
                                    

Chapter 8

 

Pagpasok na pagpasok ko sa bahay ay agad akong sinalubong ng malalakas na tawanan na nanggagaling sa garden namin. It was already 9 in the evening, hinatid ako ni Julian dahil lumabas kami kanina.

Yes, nagdate kami. Masarap naman siya kasama, friendly at nakakatawa. Kaya niyang sakyan yung paminsan-minsang katarayan ko. Hindi rin kami nawawalan ng paguusapan, ang random kasi niyang tao.

“You’re home.” Seryosong sabi ni Montefalco.

Obviously, nagtatawanan ang mga pinsan ko at ang kambal ko habang siya naman ay seryosong nakatingin sakin. Minsan hindi ko masakyan ang trip neto ni Montefalco sa buhay.

“So how was your date?” Nangaasar na tanong ni Meg. She handed me a shot of tequila. Uminom muna ko bago sumagot.

I smiled. “It was great. In all fairness to Julian. Masarap siya –“

Napatayo si Montefalco. “Anong masarap sinasabi mo Gabby?!”

I raised my eyebrow. “Masarap siyang kasama. Problema mo? Meron ka ba?” I asked him grinning.

Umupo siya at uminom ng beer na hawak niya. “Nako kanina pa yan ganyan Gabby. Simula malaman niyang lumabas kayo –“

Sinapak ni Montefalco si Kuya Kevin kaya naputol yung sinasabi niya. “Manahimik ka Manuel.” Ani Gab sabay halukipkip.

Hindi ko maintindihan yung mga pinagsasasabi nila. Siguro mga lasing na to. Parang mga timang na kanina pa nagtitinginan si Meg, Kuya Kevin at Azi tapos mapapatingin sila kay Gab na seryoso namang nakatingin sakin.

“Alam niyo, ang weird niyong lahat.” Sabi ko.

I heard my phone beeped, nakapatong yun sa lamesa kaya naman napatingin kaming lahat dun. Nababaliw na talaga ang mga kasama ko. My gosh. Para silang mga timang.

Dadamputin ko na sana yung phone ko pero naunahan ako ni Gab.

“Montefalco!” I yelled. Pero nilayo niya yung phone ko at binuksan yung text ko.

Kumunot yung noo niya ng binasa ang text na kakadating lang. Padabog niyang ibinaba yung cellphone ko. Kulang nalang maging cellphones sa lakas ng pagbaba niya sa lamesa.

“Hoy! May problema ka ba sa cellphone ko? Kung maninira ka rin lang ng phone, eh bakit di yung sayo?!” Inis kong sabi.

“Sa cellphone mo wala. Sa nagtext meron.” Aniya.

Lalong kumunot yung noo ko. Wala na yung message, ang huling text na nandito ay yung text ni Azi na magiinuman daw sila sa bahay kaya umuwi ako para makasama ako sakanila.

I looked at him. Nakatingin parin siya sakin. “Sinong nagtext? Bakit mo binura?!” Naiinis na sabi ko. Wala siyang karapatan manguha ng cellphone at magbura ng mga texts ko! Kainis!

My Little BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon