Chapter 33
Halos thirty minutes na kaming bumabyahe at unti-unti nang nawawala yung mga buildings. Im not very good with directions kaya naman hindi ko alam kung nasang parte na kami ng Metro Manila. O kung nasa Metro Manila pa nga ba kami.
“San ba tayo pupunta?” I asked him.
He squeezed my hand before he flashed his million dollar smile. “Secret, brat.”
Napanguso ako sa sagot niya. Secret pang nalalaman. San ba ko dadalhin neto? Baka naman kikidnappin niya ko?
“Brat. Stop that.” Napatingin ako sakanya sa sinabi niya.
Huh? Stop what?
“Anong ititigil ko?” I said almost pouting.
“That. That pouting thing. Im driving. Stop being too cute.” Napatawa ako sa sinabi niya. Pati talaga pag-nguso? At cute daw? Loko to ah!
“Pang-aso lang yung cute.” I said half smiling.
Sandali niya kong tinignan at kinurot ang ilong ko bago bumalik sa pagmamaneho. “Aray! Kainis to.” Sabi ko ng hinihimas himas yung ilong ko. Ang sakit kaya!
Nagsmirk lang siya at nagpatuloy sa pagddrive. Pasalamat ka mahal kita! Kundi nadagukan na kita.
~
Halos mapatalon ako pagmulat ko ng mata. Paano ba naman kasi, one inch nalang ata ang layo ng mukha namin ni Montefalco.
“Were you trying to kiss me?” I said. Nanlaki talaga ang mata ko at bahagya ko siyang naitulak. Nakatulog ako kanina sa byahe ng hindi ko namamalayan at ganun ang bubungad sakin, sinong hindi magugulat.
He scratched the back of his head.
Pinalo ko siya sa braso. “Kahit tulog na ko manyak ka parin!” I hissed.
“Eh hindi ko mapigilan eh. Bakit kasi ang ganda mo?” Aniya.
Agad kong naramdaman yung pagkalabog ng puso ko. Damn you, Montefalco. Masyado mo kong pinapakilig. Quota na ko.
Inilibot ko yung paningin ko. Overlooking na lugar ang nakikita ko, parang kita ang buong Manila. Marami ring puno sa paligid ng lugar. Nakahelera din ang chains of restaurant sa isang gilid.
“Nasan tayo?” Tanong ko sakanya.
Mabilis niya kong hinalikan bago siya magsalita. “Antipolo, brat.” Aniya habang nakangisi. Ako naman ay nakanganga sa pagnakaw na naman niya ng halik. Kakasuhan ko na to eh! Nakakadami na.
Nauna siyang bumaba sa sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. Inalalayan niya ko pababa. Then he intertwined our hands. Pinilit kong kalasin ang pagkakahawak niya.
BINABASA MO ANG
My Little Brat
Fanfiction[Almost Perfect Series V + He&She Series II] "You're my business Gabby. Cause youre my little brat."