Chapter 39 - Begging.

29.4K 686 80
                                    

Chapter 39

 

A week had passed at hindi nagpatinag si Montefalco. Araw araw sa loob ng isang linggo siyang nandito sa penthouse ko para ipagluto ako ng breakfast, sa office tuwing lunch ay pinapadalhan niya ko ng lunch ko, minsan nga ay siya pa ang personal na nagdala nun.

Hatid sundo niya rin ako papasok sa trabaho ko kahit na hindi ko naman talaga siya pinapansin tuwing sasabayan niya ko.

I should blame Drake for all of this. Ang isang yun?! Nakakainis.

“You what?!” Lumakas na ang boses ko. Buti nalang at soundproof tong office ni Drake.

 

“I gave him the passcode. Look By, he was sorry. Nagkausap kami. As much as I want you all for myself ay hindi kita ipagdadamot sa lalaking mahal mo, at mahal ka. Im not that selfish.” Aniya sabay uminom ng kape niya.

 

Nagpapadyak ako sa loob ng office niya. I may look like a young brat having tantrums but hell I care?! Binigay niya yung passcode ko kay Montefalco, that’s why that assh-le was in my unit earlier.

 

“I dont care if he’s sorry! I dont care about him! Damn it!” Inis na sabi ko.

 

Wala na kong pakialam. Dapat ay wala na kong pakialam. Dahil ayoko nang masaktan. Tapos na ko sakanya at papanindigan ko to.

 

“Stop whining By. Let him explain.” Aniya.

 

I looked at him unbelievably. “Seriously? I lost my baby. That was an enough reason for me to react this way. I dont need his explanations. We’re done.”

 

“Baka nakakalimutan mo, hindi lang naman ikaw ang nawalan ng anak. Siya rin.” Aniya pa.

 

Muntik ko siyang masapak sa sinabi niya. But I stood up instead. “Ewan ko sayo Drake.” I said and walked my way outside his office.

 

“Alam mo, ang sweet talaga niyang manliligaw mo. Araw araw kang may lunch oh.” Ani Camille sabay turo sa lunch box na nasa mesa ko. Kasamahan ko siya na designer din dito sa E.

I rolled my eyes and stood up. “Sainyo nalang.” Sabi ko bago umalis.

Dumeretso ako sa restaurant katapat lang ng building ng E. Sa loob ng isang linggo ay kahit minsan hindi ko kinain ang lunch na binibigay niya. Yung breakfast naman ay napipilitan lang ako dahil kinukulit niya ko.

Magisa akong kumakain ng may umupo sa upuan sa harap ko. I looked up and I wasnt even surprised to find Montefalco.

“Hindi mo na naman kinain yung niluto ko para sayo.” He said in a disappointed tune.

Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko. Para siyang hangin sa harap ko. I didnt mind him staring at me like crazy.

My Little BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon