Chapter 4 - Basketball Game

38.9K 645 31
                                    

Chapter 4

Nandito ko sa labas ng room ni Meg. Hihintayin ko siya bago pumunta ng court. Kaso feeling ko inaamag na ko dito. 10 minutes na ata akong nakatayo.

Gah. I hate her prof. Sinasagad talaga hanggang sa kahuli-hulihang minuto ng period? Kainis. Wala man lang pakisama? Kami nga maaga pinalabas para sa game eh.

Game kasi ngayon ng basketball team ng school namin. First game for the season.Last year champion ang school namin. Kaya naman dapat mapanindigan nila yun hanggang ngayon.

Well, magaling naman talaga ang basketball team ng school. I mean, they wont be hailed unbeatable kung hindi sila magaling diba. Last year, meron silang tinalo na team, ang score ng laban 137-36.

"Oh gosh! Sobrang tagal mo!" Sabi ko agad paglabas ni Meg ng room niya.

"I hate that professor! Napakatagal magdismiss. Tara na malalate na tayo sa game nila Kuya!" Tapos hinila na niya ko pababa.

"Can you slow down? Hindi naman tayo malalate!" Kasi naman halos makaladkad na niya ko. Nakakawala ng ganda tong babaeng to. Basta lang makahila eh.

Pero hindi niya ko pinansin. Basta hila hila niya ko hanggang sa makarinig kami ng tilian. Magsstart palang yung game.

Sobrang daming tao dahil pati yung supporters ng kabilang school andito. Nakipagsisikan kami hanggang sa makarating kami sa bench ng players. Agad agad kaming umupo ni Meg dahol start na ng game. Nakita ko sa court si Azi, Kuya Kevin, Gab, Paolo at yung isang higher year na Engineering ang program.

Agad namang nakashoot si Gab at halos madurog ang eardrums ko sa lakas ng sigawan sa likod namin.

Im not a big fan of basketball games. The only reason I watch games is because of my brother. Gusto niya daw suportahan ko sila ng team.

Kinuha ko yung phone ko at kinuhanan ko sila ng picture. Habang inaayos ko yung picture na ipopost ko sa IG ko ay naramdaman kong siniko ako ni Meg.

"What?" Tanong ko.

"Diba yun yung kafling mo last week sa SL?" Aniya sabay turo sa lalaking nakatalikod at nagsshoot sa free throw.

Estrada.

That was the surname written on his jersey. Pero hindi ko alam kung siya nga ba yung last week sa SL.

"Nakatalikod Meg. How would I know if that’s him?" I shrugged.

Nakashoot siya at nagtilian yung nasa kabilang side ng court. Madami din atang fans ang isang to.

"Ang galing mooooo Juliaaaaan! I love you!" Sabi ng isang babae sa kabilang side.

Julian?

Hindi nga kaya siya to? Or baka naman nagkakamali lang si Meg. Sobrang small world naman nun pagnagkataon.

My Little BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon