Chapter 36 - Let me go.

27K 599 106
                                    

Chapter 36 – Let me go.

 

Buong araw akong inalagaan ni Drake. Hindi siya umalis sa tabi ko at hindi siya nagsawang yakapin ako tuwing umiiyak ako. Pinauwi niya muna si Azi at sila Mommy dahil ilang araw na silang walang stressed kakaalaga sakin.

Naexplain narin ni Drake sakin kanina kung bakit ngayon lang siya nakapunta ng hospital. At naiintindihan ko siya. Im just happy he’s here now.

“Im sorry.” Aniya. Napatingin ako sakanya.

 

“Sorry for?” I bet, namamaga yug mata ko kakaiyak. Magiisang oras na ata akong nakayakap kay Drake at wala akong ibang ginawa kundi umiyak. Kanina ay umakyat pa siya ng kama para makayakap ako sakanya ng maayos dahil hindi pa naman ako makalakad.

 

May fracture daw yung buto sa legs ko kaya medyo matatagalan pa bago ako makalakad ng ayos. Sabi nila Mommy kahapon ay naipit daw yun sa sasakyan noon.

 

“Took me a week to know what happened to you. Kahapon ko lang nalaman yung nangyari dahil nawala yung phone ko sa plane papuntang New York. I bought a new phone but I wasnt able to let you know kasi naging busy ako sa E. Buti nalang kahapon pag-open ko ng Skype para kausapin yung manager ng isang branch dito sa Pinas ay nasaktuhang tumawag si Meg.” He kissed my forehead.

 

“I shouldve been here. Kung sana sinamahan kita pabalik ng Manila, hindi siguro aabot sa ganto.” Aniya.

 

Mas napaiyak ako sa sinabi ni Drake. He was sorry, kahit ang totoo ay labas naman siya sa nangyari.

 

“It wasnt your fault.” Sabi ko. “S-Sana lang sinama ako ng baby ko.”

 

Naramdaman kong mas humigpit yung yakap niya sakin. “Shh. Dont say that. Maraming nagmamahal sayo dito. Sila Tita Kath, Tito Daniel, si Azi, Meg, Saf, Kevin. Ako. Nandito pa ko Gabby.”

 

Pagbukas ng pinto ay agad akong napatingin doon. Kakabalik lang ni Drake, sabi ko ay nagugutom na ko dahil ilang araw na kong halos walang kinakain. Pero OA lang netong lalaking to, ang dami ng dala.

“Sobrang dami naman niyan.” Sabi ko sakanya. I rubbed my eyes, sumasakit pa ang mata ko sa maghapong pagiyak ko.

“Ang sabi nila Azi, ilang araw ka na daw hindi kumakain ng maayos. You need to eat, Gabby. Para mas mapabilis ang pagrerecover mo.” Aniya.

Nauna niyang nilagay yung dala niyang two piece chicken galing Mcdo kasama ng isang bowl ng Mami na hindi ko alam kung saan niya binili.

“Drake.” I called him. Napatingin siya sakin ng hinahanda niya ang pagkain.

“Is your offer still up? Gusto ko sanang doon na sa New York magtrabaho.” I asked him. Pinagisipan ko tong mabuti. I need to get away. Yung malayo dito, yung malayo sa masasakit na alaala. I need a fresh start. At malabo yun kung magsstay ako dito sa Pilipinas.

Masyadong masakit ang pagkawala ng anak ko. It hurts so much that it left a hole in my heart. I’ll forever be incomplete. I’ll forever be broken. Pero kung magsstay pa ako dito ay mas mararamdaman ko lang yung kulang sa puso ko.

That’s why I wanted to accept his offer sa New York. Baka kahit papaano, mabawasan yung sakit kung makalayo na ako. Kahit konti lang.

 

“Are you sure about this?” Aniya. Kumuha siya ng kutsara at sinubuan ako ng chicken. Malugod akong sumunod sakanya dahil kahit papaano ay masaya naman ako sa ginagawa niyang pagaalaga sakin.

I nodded.

“Okay. I’ll talk to Tita Kath about this. We will leave as soon as she says yes and as soon as you fully recover.” Sabi niya sabay subo na naman sakin ng isa.

Umiling ako. “Lets leave as soon as possible. Pwede namang doon na ko magrecover diba? Please Drake. Gusto ko nang umalis.” Sabi ko sabay hawak sa kamay niya.

Tumango siya. “Anything you want, Gabby.” Aniya sabay ngiti. Ngumiti din ako sakanya.

After naming kumain ay humiga na ko para makatulog. Gusto ko nang ipahinga yung mata ko sa sobrang sakit.

Nasa kalagitnaan ako ng pagtulog nang maramdaman ko yung higpit ng hawak sa kamay ko. Naramdaman ko pa ang marahang halik ng isang labi doon.

"Nawala yung baby natin dahil sa kaduwagan ko. Every damn thing was entirely my fault. Im so sorry." Aniya.

Nanlamig ang buong katawan ko ng marinig ko ang boses niya.

It was Montefalco.

Anong ginagawa niya dito? Sa loob ng halos tatlong araw ay hindi siya nagpakita sakin. Hindi man lang siya dumalaw kaya hindi ko maintindihan kung bakit siya nandito. Nasan na ba si Drake?

Patuloy siya sa paghalik sa kamay ko. Gusto kong umiyak, gusto kong magmulat ng mata ay kausapin siya. Pagod na pagod na ko. Sobrang pagod na ko sa lahat nang nangyayari sa buhay ko.

"Sabi nila wala ka daw kinakausap mula pa noong isang araw at si Drake lang daw ang nakapagpa-salita sayo uli. Mahal na mahal kita Gabby. Alam kong nasasaktan ka. Sana may magagawa ako. Sana kaya kong kunin yung sakit. Sana ako nalang."

Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. "Ang sakit na tuwing tulog lang kita pwedeng dalawin. Pag tulog na silang lahat. Pag wala nang nagbabantay sayo. Pag wala nang nagbabawal sakin makita ka. Kasi gusto ko nasa tabi mo ko ngayong panahong to. Gusto ko ako yung sandalan mo. Ako yung magpupunas ng luha mo. Too bad ako rin ang cause niyan. Im sorry, baby." Aniya. Naramdaman kong nangingilid na ang luha ko kahit na nakapikit pa ako.

"Goodnight Gabby. I love you...my little brat." Aniya sabay hinalikan niya ang noo ko.

Nang marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ay doon ako nagmulat ng mata. Agad na nagbagsakan ang mga luha ko. Nakatingin lang ako sa pinto at patuloy na umaagos ang luha mula sa mata ko.

I love you? Kung mahal mo ko, hindi mo yayayain magpakasal si Angel. Kung mahal mo ko, sana nakipaghiwalay ka na sakanya. Kung mahal mo ko, hindi mo ko sasaktan.

 

“You have to let me go. Just like how I’ll let you go.” I whispered to myself before crying myself to sleep.

--------------

Hindi parin ako makapaniwala sa Fanfiction #7. I owe this much to you guys. <3

My Little BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon