Chapter 13 - Suit yourself.

29.6K 563 37
                                    

Chapter 13

 

“Ayoko na.” Sabi ko sabay punas ng luha. Nakakaisang movie palang kami at magang maga na yung mata ko kakaiyak.

Bakit kasi namatay pa si Augustus Waters sa Fault In Our Stars.

 

“Madami pang movies, brat. Kalma lang naman kasi sa pagiyak. Baka mamaya bumaha dito sa bahay niyo.” Sabi niya. Hinampas ko siya.

Although, kanina hindi naman niya ko inaasar, patuloy niya lang akong binibigyan ng tissue dahil sa kakaiyak ko.

Isinandal pa nga niya kanina yung ulo ko sa balikat niya para doon nalang daw ako umiyak. Tapos narinig ko naman siyang suminghot kanina, umiyak din si Montefalco sa TFIOS. Biruin mong pati lalaki naiyak dun. Well, sino bang hindi maiiyak dun?

 

“Eh ayaw na.” Sabi ko at sumubo ng popcorn.

Nagpadala siya kanina kay Yaya ng popcorn dito para daw kompleto ang movie marathong namin.

Sinasabi ko lang naman na ayaw ko na, pero ang totoo gusto ko pa. Gusto ko pang manuod ng movies dahil namiss ko to. Namiss kong manuod ng movies lalo na pag wala akong magawa sa buhay ko. Its been years since my last movie marathon.

Sunod na sinalang niya ay yung If I Stay. This time ang pwesto na namin ay nakaupo si Montefalco at nakahiga yung ulo ko sa lap niya. Mas komportable akong manuod ng ganto. Sinusuklay ni Montefalco ng daliri niya yung buhok ko habang nanunuod siya. I cant help but to feel sleepy.

~

Paggising ko ay nakita kong ganun parin ang posisyon namin. Pero nakasandal na sa unan si Montefalco at tulog narin siya. Nakatulog pala kami pareho ni Montefalco kanina.

I stood up. Hindi ko muna siya ginising dahil baka antok pa ang isang to.

Hindi na ko nagabala pang magpalit ng damit pababa, kami lang naman dito sa bahay. Kaya naman naka-micro shorts at cropped top lang ako. Pagbaba ko ng hagdan ay nandun si Azi at si Safrina sa sala.

“Hi Safrina!” Sabi ko sabay yakap sakanya.

Safrina Izobel. Azi’s girlfriend. Seryoso na daw siya this time. Aba dapat lang. Mabait kaya si Saf. Sweet at caring pa. This one’s a good catch. Babatukan ko si Azi pag niloko niya tong si Safrina.

Nakipagbeso siya sakin. “There you are. San ka nanggaling?” Tanong niya.

Yumakap muna ko kay Azi bago sumagot sakanya. “Sa movie room.” Nakangiting sabi ko.

Halatang nagulat si Azi sa sinabi ko. Ay malamang, sa loob ng tatlong taon, ngayon lang ako pumasok uli don.

“Nagmovie marathon ka?” Azi asked. Shocked.

My Little BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon