Chapter 9
“Ang creepy mo cous. Kanina ka pa ngiti ng ngiti jan.” Sabi ni Meg sakin habang nasa canteen kami. Uwian na pero nagpasya muna silang magmerienda. Ako naman, may inaantay pa kaya dito muna ko sa school.
Ngiti-ngiti daw ako. Paano naman kasi ang kulit ni Seb.
Fr: Sebastian <3
Babe, di ako makasayaw ng maayos sa practice. Wala kasi akong kiss kanina. :(
Hashtag clingy.
Ngumisi si Azi. “Nababaliw na yang kambal ko Meg. Baliw na baliw na kay Seb.”
Binato ko sila ng fries ko. “Inggit lang kayo!”
“Sus di rin.” Sabi ni Azi. Tinapik niya si Gab. “Eh ikaw bro? Musta si Hanna?” He asked Gab.
Kumuha muna siya ng fries ko at sinubo ng pwersahan kay Azi. “Ang chismoso mo. Kumain ka nalang dyan.” Natatawang sabi niya.
Nag-apir pa kami ni Gab after niyang gawin yun at sabay pinagtawanan ang kambal ko. We’re friends. He’s like my partner in crime, well, next to Azi ofcourse. Pero madalas naming pagtulungan si Azi.
~
Nandito ako ngayon sa may gym ng school. Dito ko aantayin si Seb. May practice kasi sila sa dance troupe kaya pinagstay niya ko para siya ang maghahatid sakin pauwi. Seb’s my boyfriend. We’ve been together for 8 months. Syempre siya din ang date ko bukas sa JS Prom namin.
He’s a very nice guy.
And I love him.
Nagulat ako ng bigla kong makita si Gab sa harap ko. He held my face with both of his hands bago niya ko halikan ng mariin.
Nagulat ako sa nangyari. Shock invaded my system that I wasnt able to move. Nanlaki lang ang mata ko at para kong natulala sa nangyari. It lasted for a few seconds bago niya pinakawalan yung labi ko.
“B-bakit mo ginawa yun?” I asked him. We’re cool. Bestfriend siya ng kambal ko, at kaibigan ko siya. Alam niyang may boyfriend ako at alam kong may girlfriend siya kaya hindi ko maintindihan kung bakit niya ginawa yun.
Ngumisi lang siya. “I wanted to get rid of Hanna, I saw you so yeah, para tigilan na niya ko hinalikan kita.” Pacool pa na sabi niya.
“Gabby.” I froze. Unti-unti akong humarap. Feeling ko ang putla ko na. Ramdam na ramdam ko yung kaba sa dibdib ko. Halos marinig ko na yung bawat pagtibok ng puso ko sa tenga ko. Nakita niya. By the way he said my name, alam kong nakita niya ang nangyari. Seb saw the kiss. And I know this is bad. Very bad.
BINABASA MO ANG
My Little Brat
Fanfiction[Almost Perfect Series V + He&She Series II] "You're my business Gabby. Cause youre my little brat."