Chapter 11 - Why so heartless?

28.7K 606 47
                                    

Chapter 11

 

Literal na napanganga ako sa mga binitiwang salita ni Gab. Gabby over anything? Really Montefalco? Really?

Hindi ko alam paano kami nakalabas agad ng SL. Nagsitabihan ata yung mga tao dahil natakot sa aura ni Gab.

Hila-hila niya ko hanggang sa makarating kami sa parking lot ng SL. Mahigpit yung hawak niya sa wrist ko pero hindi ako nagsasalita. He’s like a ticking time bomb. Any minute ay bigla nalang sasabog.

Padabog niyang binitawan yung kamay ko pagdating namin sa tapat ng sasakyan niya kaya napahawak ako dun sa parteng yun. Sumakit yung wrist ko sa higpit ng pagkapit niya sakin kanina. Nakita kong namula na ito. Sana lang ay hindi magpasa.

“I told you not to go here right? Ang kulit mo kasi! Sinabi ng wag ka ng sumama sa Julian na yun pero sige ka parin. Sumama ka parin! Ang tigas talaga ng ulo mo brat! Paano nalang kung hindi ako dumating edi nabastos ka na nung hayop na yun. Tapos asan yung Julian mo? Andun nakikipagharutan sa ibang babae. Damn it brat!” Sigaw niya sakin. Galit na galit talaga siya. Ang lakas ng sigaw niya na naging dahilan ng biglang pag-usbong nung galit sa dibdib ko.

“I can handle myself Montefalco!” Mariing sabi ko sakanya. “Hindi ko kailangan ng mahabang sermon mo! So shut it! Hindi ka pari para magbigay ng homily.”

Oo na, nandun na ko sa siya ang nagligtas sakin sa manyak na lalaki sa loob pero idadamay pa si Julian? Wala naman siyang alam dito. Hindi niya naman ginusto na mabastos ako. Natural yung switch partners sa mga bar habang nagsasayaw. Nagkataon lang na manyak na nga yung natapat sakin ay lasing pa ito.

“You shouldnt have come here in the first place. Diba dapat kasama si Azi or si Kevin, or even ako pag pupunta ka sa gantong lugar? Why go with Julian?” Galit na sabi niya pero hindi na pasigaw.

“Kanina mo pa dinadamay si Julian dito. Labas siya sa mga nangyari kaya tigilan mo siya!” Inis na sabi ko.

“Sige ipagtanggol mo pa. Kung sana hindi ka niya dinala dito ay sana hindi ka muntik mabastos. Lalandi din lang pala siya, sinama ka pa niya. Gago din yung hayop na yun eh. Isasama ka tapos makikipagsayaw sa iba. Tanginang lalaki yan. Layuan mo na nga yung Estrada na yun.” Wow. Just wow. Hindi naman halatang galit na galit siya ng lagay na yan kay Julian?

"Pwede ba? Bakit ba napakapakialamero mo?" I hissed. “Kanina ka pa Julian ng Julian, napakalaki ng galit mo sa tao. Kung may galit ka sakanya, labas na kung ano mang meron kami dun.”

Nakakainis. Lahat nalang bagay pinapakialaman niya. Sino ba siya sa inaakala niya?! We're not even friends to begin with. So anong pinaglalaban niya?

"Eh ang tigas kasi ng ulo mo! I told you that guy's a playboy!" Aniya.

I cant believe this. Ano bang pakialam niya.

"I dont know what you're up to Montefalco. Pero napupuno na ko sayo. I dont care kung playboy siya, sino ba nagsabing sineseryoso ko yun? Kaya pwede ba, stick your nose to yourself. Mind your own business. Mas malala ka pa sa kambal ko eh. Tatay ba kita?" Sabi ko bago ko siya talikuran.

"You're my business Gabby. Cause you're my little brat." Pahabol na sigaw ni Montefalco.

Yeah right. As if I care.

 

Pero bago pa man ako makalayo ay nabuhat na niya ko at ipinasok sa sasakyan niya. “And dont you dare walk out on me brat.” Mariing sabi niya.

“I will walk out whenever I want to. Sino ka sa tingin mo para sundin ko?” Nakataas kilat kong tanong.

“Ako si Gab Montefalco. And you, my little brat, will follow me. Kasi alam mong para sa ikabubuti mo lahat ng ginagawa ko.” Nakangising sabi niya.

I shook my head. “You’re just Gab Montefalco. Wala kang hawak sakin para mapasunod ako. So stop messing with my life. You’ve messed it quite good already. Di ka pa ba tapos?” Seryoso kong sabi.

Alam niyang yung pagsira niya sa relationship namin ni Seb ang tinutukoy ko. Once na niyang sinira ang buhay ko, di pa ba siya tapos?

He sighed. Looked at me, defeat flashed his eyes. “Im not messing with your life.” Mahinang sabi niya.

“Then what do you think you’re doing now?”

Nandito parin kami sa parking lot ng SL. Ni-hindi niya pa nga nasstart yung sasakyan niya.

Inistart na niya yung sasakyan niya pero nagsalita muna siya bago niya paandarin yung sasakyan niya.

“Why are you so dense, brat? Hindi mo parin ba gets?” Mapait siyang tumawa. “Ofcourse you still dont get it. You’ll never get it. Wala ka naman kasing paki sa mga ginagawa ko para sayo. Why are you so heartless brat?”

Tahimik kami buong byahe. Nakakabingi yung katahimikan sa sasakyan dahil patay rin ang radyo niya. Gusto ko mang buksan yun dahil nabibingi na ko sa sobrang tahimik but I didnt dare. Ayokong makialam sa kahit anong bagay na may kinalaman sakanya.

Hindi ako katulad niya na pinapakialaman lahat ng bagay tungkol sakin. Malala pa siya kay Azi at kay Daddy.

Pagdating namin sa tapat ng bahay ay binuksan ko agad yung pinto.

“I’m not heartless. I just learned how to use my heart less.” Sabi ko bago bumaba ng sasakyan niya.

-----------------

Happy #30 sa Fanfiction. Hart hart guys. <3

My Little BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon