Chapter 22 - Fake it until you make it.

26.7K 566 80
                                    

Chapter 22

 

“Nagseselos ka ba kay Gabby at Julian?” Rinig kong tanong ni Kuya Kevs kay Gab. I hid myself. Tatawagin ko sana sila para kumain dahil tapos na magluto sila Safrina. This was our first night here at sila Safrina at Azi ang naka-assign magluto.

I dont know what’s keeping me to stay. Hindi ko forte ang mag-eavesdrop. But this one’s different. May nagsasabi sakin na dapat magstay ako at makinig.

Bahagyang natawa si Montefalco. “Of course not. Ano ka ba Kevin.” Sabi niya na para bang sobrang katawa-tawa yung sinabi ni Kuya Kevs. Na para bang sobrang imposible nung sinabi ni Kuya Kevs.

“Then why do you keep on throwing daggers?” Ani Kuya Kevin. “And I know you Gab. Alam kong may naramdaman ka para sa pinsan ko before.”

Gab laughed. “Before Kevin. Before.” Aniya sabay umiling.

“So si Angel na talaga?” Tanong ni Kuya Kevin.

Tumango si Gab uli at ngumiti. That fucking smile. “Si Angel na ang mahal ko. Si Angel lang.”

Right there and then. I felt the familiar pang of pain in my chest.

Naramdaman kong unti-unting tumulo yung luha ko. I wiped it away pero walang tigil sila sa paglabas. Damn it Gabby! Keep your shits together. Diba wala kang nararamdaman para kay Montefalco? Prove it damn it!

Nagflashback lahat ng mga ginawa para sakin ni Montefalco. So may naramdaman siya para sakin? Nasaktan kaya siya noon nung may nararamdaman pa siya sakin? Nasaktan ba siya kasi hindi ko siya binibigyang pansin noon? Kaya ngayon, si Angel na ang mahal niya. Gusto kong tawanan yung sarili ko. The tables have turned isnt it?

Kasi pakiramdam ko, ako na ang may nararamdaman para sakanya ngayon.

Nahulog na nga ata ako.

I stood up and composed myself. Pinunasan ko yung mga luhang kumawala sa mata ko. Gone was the weak Gabby. Matagal na siyang wala kaya dapat kayanin ko to. I need to keep my shits together and smile.

I should smile and act like nothing's wrong. It's called putting crap aside and being strong.

“Kain na daw.” My voice turned out to be as cold as ice.

Siguro ay para matabunan yung nakabarang sakit sa puso ko. Kailangan kong palabasin na wala akong paki. Na ayos lang ang lahat.

Nagulat ata sila sakin, “K-kanina ka pa jan brat?” Utal na tanong ni Montefalco.

Gusto kong maiyak sa brat. This was the first time I loved how he called me that. Nakakamiss pala. Nakakamiss yung pagtawag niya na brat. Nakakamiss yung panahong may paki pa siya sakin.

Kasi ngayon, wala na. Si Angel nalang ang mahalaga. Si Angel.

My Little BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon