Prologue

161 10 8
                                    

📈RECKONING LOVE Full Edition 📉
~Prologue up to the Epilogue ~

》Manabe Jinichrou ♡ Minaho Kazuto 《

[Reckoning means]

:the act of calculating the amountof something
: the time when your actions are judged as good or bad and you are rewarded or punished
: the act of judging something

■□ PROLOGUE □■

Manabe POV

Akala ko... alam ko na ang lahat.

Akala ko... panalo ako.

Akala ko... mahal nya rin ako.

Alala ko... tama ang kalkulasyon ko.

Akala ko... tama angdesisyon ko.

Akala ko lang pala yon.
.
.
.

*flashback*
.
.
.
"Mi-na..ho.." sabi ko

Nagulat ako ng pagsilip ko sa classroom namin hawak hawak ng isang babae ang pisngi nya... sapo sapo niya ito sa kanyang palad...

Gulat na gulat sya na parang nahuhuling nagnanakaw...

"ma..manabe.." natatarantang sabi ni minaho.

Lumapit sya. Ang emosyon ko ay wala.

" oh.. bakit ganyan ang mukha mo? Bakit ang lungkot lungkot-" natigilan si minaho sa sasabihin nya dahil

Sinampal ko sya. Nagulat  dib yung babae kaya lumapit sya. May balak pa atang ipagtanggol si minaho.

"hoy mali yun-"

Sinampal ko rin sya. Napahawak sya sa pisngi nya at umalis ako. Habang naglalakad hinila ni minaho ang braso ko.

" ano bang problema mo manabe?"  Sambit nya. Natawa nalang ako.

"ako?? Problema ko? Di mo pa ba nakikita?? Diba magaling kang tumingin ng ikikilos ng tao! Bakit di mo alamin.. ang dahilan ng pagasta ko na ganito? Ang..  nararamdaman ko?

Napayuko ako. Ganito na naman... ang nangyayari... nagseselos na naman ako...

"nagseselos ka na naman ba?" Di na napigilang sumigaw.

"oo na! Nagseselos na ko!"

"wa-la lang yun manabe! Ano ka ba naman'' sabi ni minaho.

Napatawa ako. Wala... wala.. oo sige wala sabi mo eh...  wala kong nakitang naglalampungan. Wala kong nakitang panloloko. Wala. Wala talaga!

aalis na sana ko ng mas higpitan nya ang pagkakahawak sakin...

" lagi ka nalang ganyan.. iniisip mo na nambababae ako.." parang agrabyado nyang sabi.

"bakit hindi ba?" May paismid kong sabi habang pinipigilan ang pagluha.

Ginulo nya ang buhok nya.

" ahh!! Nakakainis ka na! Puro nalang nambababae ko!  Ilang ulit ko bang sinabi?? Wag mo kong itulad ay ibuki! O kay kyousuke! Manabe iba ako!"

Hindi ko sya sinagot. Lalo syang nanggalaiti.

"O syam. Sige! Edi para tapos usapan oo na ng matahimik ka lang!! Ok na ba yun?"

Halata ang pagkagulo ng isip ni minaho sa reaksyon ko.

"Lumabas din ang totoo..."

Umiwas ako ng tingin at
Napailing nalang ako.  Kinalas ko ang pagkakahawak nya sakin. Lumayo ako pero sinundan nya parin. Tinatawag nya ang pangalan ko pero hinarang ko ang kamay ko sa kanya at pinatigil sya.

"please. Ayoko na. Lets end this. Wala na tong patutunguhan"

*end of flashback*

Reckoning  LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon