Reckoning Love
Chapter 18Manabe POV
Anong ginagawa nya? Tama ba ng scan ko? Si.. minaho ba talaga yun??
'Manabe, kumalma ka' sambit ni kazemaru sa kabilang linya.
"2.5 million dollars calling once!" Sigaw nung nag hohost ng bidding.
"2.5 million dollars calling twice!" Pansin kong tumingin sa akin si hayami.
Alam ko ang iniisip nila. Kung hindi man namin sya makuha, aagawin namin sya.
Minaho, hindi ko alam.. na.. ganyang uri ka ng lalaki. Hindi ako makapaniwala.
"2.5 million dollars calling thrice! Sold!"
Namatay na ang ilaw. Alam namin kung san idedeliver.
Nagsilabas na kami. Sinusundan ko parin ng tingin si minaho. Anong balak nyang gawin?bakit nya to ginagawa? Naiinis ako!
'Nakalabas na sila kirino at hayami.' Sabi ni kazemaru
Sinundan ko lang si minaho at batid ko na alam na nya na may sumusunod sa kanya.
Sigurado ako na.. pupuntahan na nya yung tinutukoy nila ' Helen of our Era'
Naglakad sya papunta sa may pasikot sikot.
(Neechan: wahh di ko na alam ano isusunod😂 goodluck to me😂 sana magustuhan nyo)
"Idedeliver nalang sya sa address mo ngayun din" rinig kong sabi ng isang tinig.
Iniscan ko ang room at nadagdag ang layout nito sa blueprint na kinukuha namin at binubuo.
"Okay" at umalis na ung kausap ni minaho.
"Lumabas ka. Alam kong nagtatago ka" sabi ni minaho.
Bumilis ang kabog ng dibdib ko. Alam kong ako ang pinagsasabihan nya. Pero.. ako nga ba?
'Manabe!' Rinig kong sita ni hayami. Nasa may di kalayuan sya. Nalingat tuloy ko at di ko napansin na may tao na sa gilid ko.
"Gotcha" nakasmirk na sabi ni minaho. Pagtingin ko sa dating pwesto ni hayami wala na sya.
"Ba-bakit ka nandito?" Nausal ko.
"Bakit bawal ba?" Natauhan ako at bigla ko syang nasampal. Kung nandito sya. Ibig sabihin. Gumagawa sya ng ilegal na bagay!
Napahawak sya sa pisngi nya at napaismid.
"Ano bang iniisip mo? Ma-na-be?" Magsasalita na sana ako ng may tinig akong narinig. Teka.. may suot rin syang.. earplugs na.. kagaya ng ginawa ko!
BINABASA MO ANG
Reckoning Love
Teen FictionReckoning Love [Reckoning means] :the act of calculating the amountof something : the time when your actions are judged as good or bad and you are rewarded or punished : the act of judging something _____ ***** Manabe POV Akala ko... alam ko na ang...