□■Chapter 4■□Lalong bumilis ang kabog ng puso ko... hindi.. hindi ko alam ang gagawin ko... kung ano ang sasabihin ko... hindi ko alam!
Hanggang sa nagsitayuan na pala lahat sila at nauna na sa may cottages at yung iba dumiretsyo nasa room nila na malapit sa beach.
" manabe.. pwede ka bang makausap?" Tanong ni minaho
" bakit?" Tipid kong sagot kailangan ko ng uminom ng tubig. Nanunuyo na ang lalamunan ko!
"iniiwasan mo ba ko?" Direkta nyang sabi
"h-hindi ah!" Pagtanggi ko.
" ah.. akala ko kasi eh.." ngumiti si minaho
" sige punta na ko sa kwarto ko-"
Bigla nyang hinawakan ang kaway ko ng patayo na ko.
" oh tignan mo.. akala ko ba.." nakabusangot nyang sabu
Di ako nakasagot
" kaya mo ba ko iniiwasan.. dahil... dahil sa sinabi ko?" Ngayon noo ko naman ang nakakunot.
" sinabi? Mo?" Pag ulit ko
"oo.... kaya ba?" Umiwas sya ng tingin na para bang nahihiya.
" bakit ano bang sinabi mo?" Napakainosente kong sabi. Malay ko ba anong sinabi nya! Kakabalik ko lang kaya
"nalimutan mo na ba??" Nagtataka nyang sabi na may halong lungkot.
Huh?? Ano ba yun? Hinawakan nya ang dalawa kong braso at hinarap ako sa kanya
"manabe! Gusto kita! Liligawan kita! Nakalimutan mo na ba??"
"ahh..."
"wala.. ka man lang reaksyon?" Malungkot nyang sabi
" ano gusto mong gawin ko?" Tanong ko
"Gusto ko na.. maramdaman mo na.. mahal talaga kita.." parang batang umaamin sa kasalanan ang itsura ni minaho ngayon.
"kahit lalaki ako?" Tipid kong tanong.
"Wala akong pake. Para sakin babae ka." Poker face ako. Pero sya.. parang kumikinang sa determinasyon.
"Ayoko sa lalaki" Nataranta sya
"Edi magpapakababae ako!pede na ba un? Hay Basta.. gusto kita!" Tipid akong natawa sa sinabi nya.
Sya? Magpapakababae? Pff
(Neechan: lumawak imagination ni manabe. Inimagin si minaho nagpapakababae ... pfft )
Tumayo ako at di na sya pinansin.
"Manabe! hihintayin ko parin ang sagot mo!"
Pagdating sa may cottages nandon si kirino. Niyakap ko sya agad.
"oh? Bakit?" Taka nyang tanong
" di ko na alam gagawin ko." Sabi ko
"uy anong nangyari?" Nag aalalang tanong ni hayami
Kaming tatlo ang magkakasama sa isang kwarto. Sinadya talaga iyon ni shindou kasi alam ng iba na lalaki kami pero si shindou. Alam nya na babae kami dahil kay kirino.
" guys... di ko na alam ang gagawin ko. Di ko mapigilan.. na mahalin sya!" Di ko na napigilang umiyak.
BINABASA MO ANG
Reckoning Love
Teen FictionReckoning Love [Reckoning means] :the act of calculating the amountof something : the time when your actions are judged as good or bad and you are rewarded or punished : the act of judging something _____ ***** Manabe POV Akala ko... alam ko na ang...