Chapter 27

56 1 2
                                    

" Reckoning Love "
Chapter 27

Manabe POV

Lumipas ang ilang araw. Naging successful ang first mission namin. Nahuli ang mga boss o drug lord.. at nasagip din si Afuro terumi..

"Good job guys. Now.. pwede na muna kayong magpahinga" sambit ni ate kazemaru.

Ngayon ko lang rin nalaman mula mismo kay ate kazemaru ma matagal na palang agent si minaho. Mas nauna pa kamo sa akin!

Hindi ko alam kung paano ako nag time travel pabalik sa past.. pero.. si minaho.. bumalik rin sya kagaya ko.

Alam kong kasalanan ko ang lahat. Na misunderstood ko sya...

Kaya ngayon..

Hindi na namin hahayaan pang masira kami..

Magsisimula kaming muli..

"Ouy manabe!" Sigaw ni kirino sa akin

"Ung bebe mo sinusundo ka na" pinisil ni hayami ang bewang ko

"Ano ba-- parang tanga.." natatawa kong sabi.

"Ehem.. pasintabi sa mga single.." natatawang sabi ni ate kazemaru.

"Wow~ sino kaya ang may date mamayang gabi... with a hot soccer coach~" namula ang pisngi ni ate kazemaru at nagtawanan kami

"Kayo talaga!" Nahihiya nitong sigaw

"Bye bye na. May DATE pa ako. Mainggit nalang kayong dalawa..." nagtawanan si kirino at hayami

"Che!" Sigaw ni kirino "ayos lang single.. diba hayami?"

Hindi nagsalita si hayami habang yakap sya ni kirino

"Ang totoo.. sinagot ko na si hamano.." sabi ni hamano kaya naman tinulak sya ni kirino

"Yan tayo eh.. so ako lang walang jowa? Grabe.. ashaket.." pag iinarte ni kirino

"Ah kirino. May pinapabigay nga pala si shindou sayo" sumilip si minaho sa pinto. Namula si kirino at inabot ang paperbag.

"Manabe.. halika na?" Tanong ni minaho sa akin

"Sige ba.." sambit ko at hinawakan ang kamay ni minaho

"San mo gustong pumunta?" Tanong nya sa akin

"Kahit saan. Basta kasama ka.. ayos na ko dun" nakangiti kong sabi

"Sige. Punta na tayo sa simbahan" natawa ako

"Simbahan?" Ngumiti sya

"Oo. Papakasalan na kita" bahagya ko syang hinampas

"Ang dami mong kalokohan minaho" ngumisi sya

"Syempre hindi pa ngayon.. pero soon"

Eto talagang lalaking to. Alam na alam ang dapat ikilos para mapakilig ako..

@ Neechan

Chapter 26
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=353396896058097&id=103682384362884

Reckoning  LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon