" Reckoning Love "
Chapter 26Manabe POV
Isang pilit na pag ubo ang ginawa ni kirino dahilan para lalo ko syang mapansin. Hala ka. Oo nga. Totoo ito. Akala ko kami lang ang nasa kwarto pero nandito rin pala si kirino! Napasapo ako ng ulo.
"Oh sya sige may ano may gagawin pako. Bye!"
At agad naming narinig ang pagsarang pinto. Nagkatinginan kami ni minaho at sabay tumawa.
"Hhhaaahha..."
Baliw talaga to.. ang cheesy may ibang tao pala. Nakakahiya tuloy..
"Baliw ka talaga.. " sambit ko sabay hampas ng kanyang dibdib ng mahina.
Pero imbis namainis sya. Tinignan nya ako ng may kislap sa mata. At ngumiti,
"Baliw talaga ako. Baliw sayo.."
Ginawa kong umiwas ng tingin ng hindi nya makita ang namumula kong pisngi. Ngunit kasabay ng pagbalik nya ng tingin ko sa mata nya. Ang kanyang kamay ay ikinabig ang aking pisngi upang magtama ang aming labi.
Panandaliang napatulala ako. Napaka lapit nya. Ang kanyang mga mata ay nakapikit. Kitang kita ko ang bawat buhok nya sa kanyang pilikmata.
At ng sandaling maglayo ang aming labi. Magkadikit parin ang aming ilong. Kapwa ramdam ang pag hinga ng bawat isa. Kapwa nakatitig sa mata ng bawat isa. Na tila bay isang paligsahan. Hindi ko magawang alisin ang kanyang kamay sa aking pisngi. Dahil sa sandaling alisin nya ito.. ako pa mismo ang syang humawak ng kanyang kamay.
"Manabe..."
Sambit nya. Ramdam ko ang init ng kanyang pahinga. Na wari'y tinutunaw ang aking sistema..
"I love you..."
At lumapit muli sya. Naramdaman ko ang paglapat ng mainit nyang labi sa dulo ng aking ilong. Paakyat sa mata kong mahapdi dahil sa pag iyak. At nagtungo ito sa aking noo.
"Minaho.. i love you too"
Sambit ko at niyakap ko sya. Akala ko tatagal pa ang panahon namin para sa isat isa pero biglang may kumatok sa pinto. Kaya bahagya kaming maghiwalay
BINABASA MO ANG
Reckoning Love
Teen FictionReckoning Love [Reckoning means] :the act of calculating the amountof something : the time when your actions are judged as good or bad and you are rewarded or punished : the act of judging something _____ ***** Manabe POV Akala ko... alam ko na ang...