Chapter 13

48 5 1
                                    

Reckoning Love
Chapter 13

Manabe POV

Malambing na musika ang pumalibot sa loob ng bulwagan. Walang ingay na narinig sa gitna ng dilim. Tahimik ang lahat at dinadama ang pangyayari.

Habang nakadikit ang isang malambot na bagay sa aking labi. Masisiguro kong kapwa labi rin ito. Ng sino? Hindi ako sigurado pero malakas ang kutob ko.

Si minaho

Hawak nito ang isa kong kamay. Nangatal ang kamay ko.  Nais kong kumawala sa dampi ng kanyang labi pero tila.. natuod na ako sa aking kinatatayuan.

Naka 10 segundo yata bago nya tuluyang alisin ang pagkakadikit ng kanyang labi. Saka lang ako natauhan at kinapa ang kanyang buhok.

Tuluyan ng kumawala ang mga takas na luha mula sa aking mga mata. Ang buhok na ito..

Ang pakiramdam ng aking haplos..

Ang.. amoy na ito...

Ang lambot ng kamay...

Nasisisgurado ko na...

Si minaho ito

"Okay!! 10 seconds nalang!!" Sigaw nung mc. Palayo na si minaho pero ako na ang humawak sa kamay nya

Akala ko mag iistay sya para makita ko sya sa liwanag pero..

Isang huking halik sa noo ang kanyang binigaym bago ko tuluyang mabitawan ang kanyang kamay. Sinubukan kong maglakad pero nabunggo lang ako.

"5..."

Sigaw nung babaeng mc.

"4!! Awat na guys!"

Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi

"3! Magbubukas na..."

At tuluyan ng nagingay

"Ang ilaw in 2!!"

Isang nakakasilaw na ilaw ang syang sumalubong sa aking mata

"1!!"

Hiyawan ang narinig. Ako tulala.

Si kirino batid kong medyo balisa rin at gulo ang buhok ng bahagya.

Si hayami.. namumula ang mga pisngi at tinatago.

Napalunok nalang ako. Napalinga at hinanap ang pwesto ni minaho. Gaya ng inaasahan. Nakaupo lang sya na parang walang nangyari. May hawak na baso sa kamay. May kalayuan rin sya..

Paano nya..

Nagawang makarating dito?

Nang magtama ang aming mata.. isang matamis na ngiti ang binigay nya.

Reckoning  LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon