Reckoning Love
Chapter 21Manabe POV
Nang mapaputok na ng mg bala ang kalaban. Tumingin ako sa rear view na salamin pero agad itong nabasag.
"Minaho!" Sigaw ko dahil sa kaba.
"Ayos ang ako! Magmaneho ka lang" at nagpalitan na sila ng putok ng baril. Ginawa ko ang lahat para maligaw sila. Lumayo din ako sa matataong lugar, mahirap na.. baka madamay pa ang iba.
*boogsh*
Natamaan ng baril ang isa sa gulong namin kaya nagpagewang gewang kami.
Pinilit kong ikabig ang manibela pero wala. Nawalan na ng kontrol!
*boogsh! Boom! Plagak plagak! Boom!*
Isang tunog ng nagpagulong gulong na sasakyan ang narinig. Matapos ay sumabog ito.
" ok na. Di na nila tayo m-mahahabol"hingal na sabi ni minaho. May daplis ng bala sa pisngi.
"Minaho..." alangan kong sabi
"Wala ng kontrol ang preno.. ang manibela rin..." agad nyang binuksan ang pinto nya at hinatak ako.
Bago pa man magdirediretsyo sa poste ang sasakyan. Gumulong kami sa kalsada.
Isang malaking pagsabog ang narinig namin.
"Ok ka lng ba?" Tanong nya sakin. Ngayon lang ako.. nakaranas ng ganto. At... sa unang misyon ko pa?
Bigla akong natulala.
Alam kong delikado ang tinahak kong landas pero...
Bigla kong naramdaman ang pares ng bisig na nakayapos sa akin.
"Mabuti naman at ligtas ka" sambit nya.
Bigla akong nakarinig ng ugong at malabong tunog mula sa nakakabit sa tenga ko. Inayos ko ito at naging medyo malinaw na ang boses.
"Manabe!!! Manabe naririnig mo ba ko? Manabe??! " rinig kong sigaw ni kazemaru. Rinig ko rin ang boses ni kirino na parang sumisigaw rin at tinatawag ako.
"Manabe asan ka na ba!" Sabi nito
"Nako po... ano ba yan. Manabe.. kinakabahan na ko sayo.." sabi ni hayami na parang maiiyak na.
Pinindot ko ang isang button dito at nagsalita.
"Nandito ko guys" sambit ko ng matauhan.
"Manabe! Mabuti naman at sumagot ka! Kirino track her location asap!" Bahagya akong natawa.
Pagtingin ko sa katabi ko. Nakasandal lang ang noo nya sa balikat ko
BINABASA MO ANG
Reckoning Love
Genç KurguReckoning Love [Reckoning means] :the act of calculating the amountof something : the time when your actions are judged as good or bad and you are rewarded or punished : the act of judging something _____ ***** Manabe POV Akala ko... alam ko na ang...