"Reckoning Love"
Chapter 23Previously~
"Kumpara sayo.. kalmot lang ang nakuha nya. Over fatigue or shock lang ung problema nya.."
Wala silang nagawa. Pinuntahan ko pa rin si manabe. Pagsilip ko.. nakita ko ang nahihimbing nyang mukha.
"Manabe..."
Minaho POV
Tila ang mundo ko ay huminto. Kasabay ng aking mga napagtanto. Bakit ka ganyan manabe? Wala ka pang ginagawa pero nahuli mo na ang puso ko... grabe. Hindi ko mapaliwanag... ni hindi ko alam kung anong ginawa mo bat ako nagkaganito. Pero isa lang ang alam ko.. kaligtasan mo ay kaginhawaan ko.
"Minaho, bumalik ka na sa room mo" paalala ni shindou sa akin.
"Nandyan naman na si kirino at hayami eh. Kaya na nilang alagaan si manabe" dagdag ni hamano
Nakita ko sa may di kalayuan si ibuki. Bahagya syang ngumisi. Siguro nga oras na.. ung ilang taon marahil ay sapat na. Lumayo ako gaya ng kagustuhan nya. Pero ngayon sya ay di ko na papakawalan pa.
"No. Ill stay" sambit ko sabay pihit ng hawakan dahilan para ang pinto ay mabuksan.
"Your so stubborn" inis na umalis ang dalawa.
As i open the door. Agad kong nakita ang naka idlip na si kirino. Si hayami wala. Si manabe ayun nakahiga.
Agad akong lumapit sa may higaan nya. Pinagmasdan ang nahihimbing nyang itsura. Kay tagal na.. ng huling nahaplos ko sya..
Napangiti ako habang napansing pantay ang kanyang pag hinga. Mabuti naman at galos lang natamo nya. Kung hindi, hindi ko alam kung anong magagawa ko. Baka balikan ko ung mga bandido at patayin ulit ng paulit ulit.
"Manabe... magpahinga ka muna..." mahina kong sambit habang haplos ang kanyang buhok.
Hinawakan ko ang kamay nya. Nais ko na sa pagmulat nya ako ang una nyang makita. Hanggang sa di ko namalayan. Unti unti na pala akong nakatulog mula sa gilid ng higaan.
Manabe POV
Ang sakit ng ulo ko parang naalog. Teka... bakit parang may nakahawak sa kamay ko... eh?
"Mi-naho?"
BINABASA MO ANG
Reckoning Love
Teen FictionReckoning Love [Reckoning means] :the act of calculating the amountof something : the time when your actions are judged as good or bad and you are rewarded or punished : the act of judging something _____ ***** Manabe POV Akala ko... alam ko na ang...