FRIDAY THE 13th
Tahimik kong binuksan ang aking condo. Madilim, kaya naman kinapa ko ang switch at bumaha ang liwanag kasabay ng.....
"HAPPY BIRTHDAY LOVE!" Masayang bati ng girlfriend ko.
Nagulat ako at hindi makapaniwala.
"A-akala ko ay hindi mo naalala" sambit ko.
"Di ba nagpromise ako sayo na pupunta ako?" tanong nya at napangiti naman ako.
"Love, sisindihan ko lang tong kandila. Then make a wish okay?" aniya.
After that, nagwish ako "Sana tumawag si mama". Ilang taon na kasing hindi nya ako binabati.
"Yey! Love, I love you" she said tenderly.
"I love you too"
She's still holding the cake when my phone rang.
"H-hello m-mom?"
"Anak.... Y-yung g-girlfriend mo."
"Anong meron ma?" tanong ko habang tinititigan ang nakangiting babae sa harapan ko.
"Nanggaling sya dito kanina. Pinuntahan nya ako at hiniling na sana ay personal kitang batiin" aniya.
"Really?" a tear escaped from my eyes.
Im really lucky to have her.
" Papunta na ako sa condo mo"
"That's great mom!"
"Pero------nakita ko ang kotse nya. N-naaksidente sya Hans. D-dead on arrival" umiiyak na sabi nya.
Agad akong napalingon sa babaeng may hawak ng cake.
"Sabi ko naman sayo, pupunta ako kahit anong mangyari" umiiyak na sabi nya.
-zy_thorne