PAPER RINGS
"Castrid!"
"Jun! Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"May ibibigay kasi ako sayo" aniya.
"Para saan?"
"Ah--di ba birthday mo?"
Nagulat ako sa sagot nya. Actually, akala ko ay walang nakaalala or kung meron man, marahil ay wala silang pakialam.
Ayaw nila sakin kasi akala nila, maarte ako porket mayaman ang pamilya namin.
"T-talaga?"
"Oo kaya lang----nakakahiya kasi" aniya.
"Hala sya"
"Wala akong perang pambili ng mamahaling regalo pero okay lang kasi mahal naman kita---este gusto ko lang na kahit papano ay may maibigay ako sayo"
Napangiti naman ako sa sagot nya.
This is the reason why I liked him from the very start.
Tinanggap ko ang regalo. Isang kahon na binuksan ko agad pagkauwi ko.
Sa loob ng kahon ay may kahon na masmaliit, na may kahon ulit, at may kahon ulit. Muntik na akong mapikon pero nang buksan ko ang kahon, isang plastik na singsing iyon. At may nakasulat na 'pwede bang manligaw'.
Di ko alam kung bakit pero imbes na madisappoint ay natuwa pa ako.
-------
Years past..."Maam alam ko pong mahirap lang ako pero nagsisikap po ako para maging karapatdapat sa anak nyo. Mahal ko po sya at handa kong gawin ang lahat"
Nanatili akong tahimik.
"Maybe I like shiny things but I want to marry him even with paper rings" sambit ng anak ko.
May lalaking yumakap sa likuran ko at napangiti ako.
"Mahal, naalala mo ba noon? Ganitong ganito tayo" sambit ng lalaking nagbigay ng kahon sa akin--- na asawa ko na ngayon.
Napangiti naman ako. Ganitong ganito nga kami noon. Pinaglaban nya ako sa pamilya ko, pinatunayan ang sarili nya at eto na ang anak namin, humihiling na makasal sa lalaking dukha---- pero mahal nya.
Sinong mag-aakala na ang dating ala-ala namin ay mauulit muli?
-zy_thorne