CONGRATULATIONS
"Lets break up" sabi nya habang diretsong nakatingin saking mga mata.
"A-ano? B-bakit? Ba-baka pwede nating pag-usapan to. San ba ko nagkulang? Mahal kita. Hindi ko kayang wala ka" umiiyak na turan ko.
"Wala kang pagkukulang. Pero sa ngayon, gusto ko munang magtapos ng pag-aaral" paliwanag nya.
"Why? Distraction ba ko para sayo? " tanong ko.
"H-hindi naman sa ganon, m-may mga bagay kasing di mo maiintindihan"
"Pwes ipaintindi mo. Wag namang ganito. Mahal kita" at lalo pang bumagsak ang luha ko.
"Im sorry" sabi nya at dahan dahang naglakad palayo ngunit agad kong hinawakan ang kamay nya sabay sabing...
"Handa akong maghintay para sayo"
Ramdam ko ang pagkawasak ng puso ko nang bitawan nya ang kamay ko.
----after four years-----
Sya pa din ang mahal ko. Pinili kong mag-aral sa ibang lugar para di ko sya maabala. Nais ko rin syang bigyan ng space at kalayaan na kailangan nya. At ngayon, alam kong nakagraduate na sya.
Nanatili akong tapat sa pangako kong 'maghihintay ako'dahil tulad nga ng sinabi nya, maaaring di ko lang naiintindihan ang side nya.
Sumakay ako ng tren, pupuntahan ko sya sa bahay nya. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, nagkita kami. Dito mismo sa tren na sinasakyan ko.
Napakagandang tanawin para sakin ang kanyang mga ngiti, ngunit naroon ang sakit habang nakikita kong ibang lalaki ang dahilan niyon. Di ko napansing tumulo ang luha ko.'ano? Ako na naman ang iiyak? Umasa lang ako para sa wala' sabi ko sa sarili ko.
Napatingin silang dalawa sakin. Naroon ang pagkagulat sa kanyang mukha. Nagkatitigan kami at naputol iyon ng biglang tumigil ang tren.
Nagmamadali siyang lumabas hila ang boyfriend nya. Pero agad ko siyang sinundan.
Tinawag ko ang pangalan nya at laking pasasalamat ko nang tumigil sya."So ito pala yung sinasabi mong di ko maintindihan? " tanong ko sa kanya.
Napayuko lang sya.
"Teka bro, kaibigan ka ba ng girlfriend ko? Bakit wala ka nung 5th anniversary namin? " tanong sakin ng boyfriend nya.5th? Tangina. 4 years pa lang simula nung magbreak kami. Ano to? Lokohan?
"Tss. Di nya ko kaibigan. EX nya ko, she broked up with me FOUR years ago" sabi ko
Halatang nagulat ang lalaki sa sinabi ko.
"Anong ibig mong sabihin? " tanong nito
"Siya na lang ang tanungin mo. May mga bagay kasing DI KO MAINTINDIHAN" Sagot ko.
"Wag mo na kaming guluhin. Please" pakiusap ng EX ko.
"wag kang mag-alala, naparito lang ako para sabihing masaya ako para sayo. Congratulations nakahanap ka agad ng kapalit ko. " sabi ko. I taste bitterness sa lahat ng sinabi ko.
Tumalikod na ako at naglakad palayo. Nang maka-ilang hakbang ako ay don ko lang naramdaman ang panghihina ng tuhod ko at sakit sa dibdib ko.
Bakit ganon? Kung sino yung lumalaban, sya pa ang nagiging talunan.
-zy_thorne