SEHB: WHO DID WORST?

110 3 0
                                    

WHO DID WORST?

"Im sorry babe" umiiyak na sambit ng boyfriend ko.

Di ko alam, pero di pa man nya nasasabi ang kasalanan nya ay pinapatawad ko na sya. Ganoon ako karupok. Ganon ako katanga.

"Okay lang" sambit ko. Ayoko nang magtanong pa para di na ako lalong masaktan.

Minsan, maspinipili nating magbulagbulagan.

"Pero babe. I cheated on you"

"Okay na nga"

"Babe! May nangyari samin ng kapatid mo! Okay lang?! Bakit ka ganyan?!"

"Sinabi kong okay na! Okay na nga di ba?! Ayoko ng marinig pa! Lalo lang akong masasaktan pero di naman kita kayang palitan! Mahal kasi kita kaya okay lang na lagi akong nababalewala!"

"But I did worst. I lied to you. I cheated on you"  nakatungong sabi nya.

"No. Its not you. It's me. I did worst------cause I trusted you. Di porket ayos lang sakin na ginaganito mo ako ay di na ako nasasaktan."

"Im so sorry" umiiyak na sambit nya at pilit akong niyayakap.

"Im sorry din. Sorry kasi pinatagal ko pa to. I already reached my limit. Malaya ka na"

Totoo pala. Kahit pilit mong iwasan ag katotohanan, mapapagod at mapapagod ka parin. Kaya harapin mo na hanggang sa tuluyan ka ng makawala.

"Babe. Di kita susukuan. Mahal parin kita."

Di ko sya pinansin at naglakad na ako palayo.

"Babe nakakapit pa ako" dugtong pa niya. Humarap ako at sumagot.

"Babe. Bitaw na"

-zy_thorne

Stories of Every HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon