AWARDS
"Harvey Castillo with highest honor" tawag ng emcee sa boyfriend kong Valedictorian.
Tumayo naman sya at..... Naglakad papunta sakin.
"Uy! Tawag ka sa stage" sambit ko.
"I want you to get the medal for me. What's mine is yours" seryosong sabi nya.
"Hoy! Umayos ka nga"
"Tsk."
"Award mo yun eh"
"I told you. What's mine is yours"
"Mr. Castillo" tawag ulit ng emcee.
Walang sabi-sabing hinila nya ako patungo sa stage.
Tinanggap nya ang medal pero sa akin nya isinuot. Nagulat pa ako nang kinuha nya ang mic sa emcee sabay sabing...
"She's my every reason"
Napatili ang aming mga kaklase. Nakita ko rin ang kanyang ina mula sa mga bleachers at nakangiti.
This is my real happiness.
-----------
He graduated in college at ganon pa din ang nangyari."Im willing to receive more awards with you" seryosong sabi ko.
"No. Gusto kong ikaw lang ang tumanggap non. Ikaw lang naman ang rason sa lahat kasi binago mo ako" aniya.
"Naku. Ang drama ha" natatawang sabi ko.
"Expect more kapag naging sundalo na ako"
That's his promise.
--------
Years later...."We would like Mrs. Sandra Castillo to receive a medal for her husband. For he bravely gave his life for the country. He is a real soldier. A true hero"
Umakyat ako sa stage para kunin ang medalya. Pero hindi katulad noon, hindi ako masaya.
Namatay sya sa gitna ng gera sa pagitan ng militar at rebeldeng grupo.
He promised me more awards. He did. Pero sana hindi katulad nito. Hindi kapalit ang buhay niya.
-zy_thorne