SEHB; FIRST LOVE

324 17 0
                                    

FIRST LOVE

Kakatapos lang ng kasal namin at lulan kami ng sasakyan ngayon patungo sa aming honeymoon location.

"Mahal, kanina ka pang tahimik?" tanong ng asawa ko.

"W-wala mahal"

"Hmm? Pagod ka na ba? Halika" aniya at inalalayan ang ulo ko patungo sa kanyang balikat. Napansin ko namang napangiti ang driver.

Hindi ko magawang ngumiti.

'Walang lihiman mahal ha' paulit-ulit na nag-eecho sa akin ang boses nya.

"Mahal... May aaminin ako sayo" kinakabahang sambit ko.

"Ano yun?"

Nilabas ko ang isang litrato noong kabataan ko.

"Nasabi ko na lahat sayo... Pero hindi ang isang to" kinakabahang sabi ko habang pinapakita sa kanya ang picture.

"Sya nga pa ang first love ko" kinakabahang sambit ko.

"Who?" kita ko ang pag-igting ng kanyang panga.

"H-hindi ko kilala eh... Nagkita lang kami sa plaza n-noon t-tapos pinicturan kami ni mama. B-bagay d-aw kami" nauutal na sambit ko.

Nanatili naman syang seryoso. Maya-maya ay........ Tumawa sya!

"Hoy! Bakit ka tumatawa?!" sigaw ko.

"Akala ko ay di mo na tanda yan" aniya.

"Ha? Bakit? Teka galit ka ba?" parang tangang tanong ko.

"Yes. Galit ako. Akala ko kasi ay di mo na yan natatandaan. Galit din ako sa sarili ko..... Naiwala ko kasi yung kopya ng litratong binigay noon ng mama mo. Were nine years old back then" seryosong sabi nya.

"D-dont tell me---"

"Yeah, its me. I searched for you. We're meant for each other.... And i'll never let you go" aniya.

A tear escaped from my eyes. Destiny played it well uh?

-zy_thorne

Stories of Every HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon