10,000 HOURS
"Ms. Cabrera" agad akong lumingon sa lalaking tumawag sakin.
"Yes sir"
"Ikaw ba ang bagong intern?" Tanong nito.
"Opo. Ako po si Selena Cabrera" magalang na pagpapakilala ko.
"Psh. Ipagtimpla mo ako ng kape" anas niya.
Wala akong choice kundi sumunod. Pagkaabot ko ng kape ay nag-utos na naman sya.
Hanggang sa...
"Ipasa mo to sa financing department, ito naman sa 20th floor mo dalhin----"
"What are you doing?" isang malamig na boses ang nagpatigil sa kanya.
"B-boss, di ko a-alam na dadating ka" natatarantang sambit ng lalaki sabay bawi sa akin ng folders na iniabot nya.
"S-sir" anas ko at bahagyang tumungo.
"Mr. Valdemar, I admire your good work" biglang sabi nya sa lalaking utos ng utos kanina.
"Thank you s----"
"At dahil dyan, you may have your break..... Forever. You dont have a right to give orders on MY employee. Youre fired" dugtong ng boss at sinenyasan akong sumunod sa kanya.
-------
Naging sekretarya ako ng sintu-sinto kong boss.Pano ko nasabing sintu-sinto?
Kumatok ako ng dalawang beses at sumagot sya ng "come in"
Pagpasok ko ay di ako makapaniwala sa nadatnan ko..
Ang boss kong nakahiga sa ibabaw ng mesa at nakasun glasses pa.
"Sir, ano pong ginagawa nyo?"
"Relaxing on the beach"
"Sir, opisina nyo po ito. Hindi beach"
"Whatever. In my imagination it is"
Umupo sya sa ibabaw ng mesa at humarap sa akin.
"What is it?"
"A-ah----" mag-iisang taon na pero takot parin ako sa kanya.
Naputol ang pag-iisip ko nang hilahin nya ako at ikinulong sa pagitan ng hita niya.
"Ms. Cabrera"
"S-sir"
"Ang ganda mo" aniya habang nakatitig sa labi ko.
Unti-unting lumapit ang mukha nya sakin.
God! Hahalikan nya ba ako?Isang galaw na lang at mahahalikan na nya ako!
"Ms. Cabrera" bulong nya ulit.
"S-sir"
"Pakitali ng sintas ko" utos niya na kinaasar ko.
Pinakawalan nya ako at hagyang itinaas ang kanyang paa.
Matindi! Sintu-sinto talaga. Tinali ko ang sintas nya at dumiretso na sa pakay ko.
"Sir, magtetake po sana ako ng leave this week"
"Di pwede"
"S-sir---"
"Sasama ka sakin sa business trip sa Baguio. After that, pwede ka nang magleave" sabi nya at napatango na lang ako.
--------
"Sir, ilang araw na po tayo dito sa Baguio. Kelan po ba kayo makikipagmeet sa investor nyo? Wala naman kayong binigay na schedule sakin" sambit ko."Di parin ba malinaw Selena?! Wala akong meeting. Gusto ko lang makasama ka. Ano? Okay na?"
"H-huh?"
"Gusto kitang makasama. Uulitin ko pa?"
'Lord. Side effect po ba ito ng pagigung sintu-sinto nya?'
"B-bakit?"
"Bago mo ko tanungin kung bakit gusto kitang makasama, tanungin mo muna ang sarili mo kung bakit mo ko binaliw ng ganito"
Iimik pa sana ako nang bigla nya akong niyakap.
"Just let me hug you. Hindi ko kayang magtapat kapag nakikita ko ang mukha mo. It makes me wanna kiss you"
"S-sir----"
"Shh... Gusto kita Selena. Gusto kitang ligawan at kung di ka pa handa, handa akong maghintay"
Kumalas siya at hinaplos ang pisngi ko.
"I may be weird but I love you. So damn much" dugtong niya.
Umalis sya sa harapan ko. Akala ko ay magwo-walk out pero hindi. Bumalik siya na may dalang gitara.
"I'd spend 10,000 hours and 10,000 more
Oh, if that's what it takes to learn that sweet heart of yours
And I might never get there but I'm gonna try
If it's 10,000 hours or the rest of my life
I'm gonna love you" kanta niya.Damn. He may be weird but I like him but....
--------
"Dito ka na pala nakatira. Masaya ba dito?" Tanong nya at tumingin lang ako sa kanya.Nakangiti sya pero naroon ang lungkot.
"Its been a year Selena pero di ko parin matanggap na wala ka na. Mahal na mahal kita. Im gonna love you til the rest of my life."
Narito ako sa tabi nya pero wala akong magawa kundi tingnan lang sya.
"Patawad kung iniwan kitang mag-isa" anas ko sa hangin.
Umupo sya sa tapat ng puntod ko at kumanta. 10,000 hours, napakagandang kanta.
Naalala ko tuloy kung bakit ako nagrequest ng leave sa kanya noon....
Di sinasadyang nadulas ako sa banyo at nabagok ang ulo. Naging sanhi yun ng pagsakit-sakit nito.
Huli na nang malaman kong may internal bleeding... Di na maaagapan.
Huli na.
"Maswerte ka pa iha. Bihira ang may kaso nito at tumatagal pa ng ilang taon." Sambit ng doktor.
Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang iyak nya.
This scene is breaking me. The most feared, sintu-sinto na CEO is crying in front of my grave.
"Please comeback for me" he cried.
But in this life, no matter how hard we try, there are things thats not meant for us.
"I love you. But im not coming back though I want to..... I- I j-just can't"
-zy_thorne