SEHB: TEXT MESSAGE

72 3 0
                                    

TEXT MESSAGE

"Zachary pahiram ng phone mo"

"Anong gagawin mo?" tanong nya.

"Pa-online" sagot ko na lang kahit na ang plano ko ay magpasa ng pictures nya.

Matagal ko na syang gusto at hindi nya yun alam kasi manhid sya.

"Oh, ibalik mo sakin pag andyan na si Maam" aniya.

Ngiting ngiti ako nang magpunta ako sa pinakalikod na parte ng classroom para gawin ang aking plano.

Pero di sinasadyang napindot ko ang 'Contact lists'.

"Asawa ko" ; 09123456789

'Sinong hampas lupa ito?!'

Agad kong itinext ang numero gamit ang phone ni Zach.

"Hi, asawa ko" pagkatap ko ng send ay biglang may nagsalita sa likuran ko.

"Siguraduhin mong magrereply ka ha" unti-unti akong lumingon at-----

"Zach" alanganing ngiti ang binigay ko

Nagulat din ako nang tumunog ang phone ko.

Zachary:
"Hi, asawa ko"

Wh-what the hell?

-zy_thorne

Stories of Every HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon