SEHB; GOOD MORNING LOVE

133 6 0
                                    

GOOD MORNING LOVE

Nagising ako dahil sa kakaibang ingay mula sa silid. Tiningnan ko ang oras at alas tres na ng madaling araw.

Umupo ako sa kama at pinagmasdan ang sarili sa salamin.

Maya-maya pa ay pumasok ang asawa ko, tanaw ko ang repleksyon niya rito.

"Good morning love. Aga mong nagising" aniya.

"Good morning din love"

"Dapat sayo ay nagpapahinga."

"Ayoko. Kapag nagigising kasi ako ay wala ka na"

"Kailangan kong umalis mahal" aniya at niyakap ako mula sa likod.

Nanatili lang akong nakatingin sa salamin.

'Mahal na mahal ko ang lalaking to'

"Happy anniversary mahal. Matagal na rin pala mula ng maging asawa kita" aniya at hinalikan ang aking pisngi.

"Oo nga mahal. Matagal na. Matagal na rin mula ng namatay ka" at tuluyan ng tumulo ang luha ko.

"Namatay man ako pero mananatili ako sa tabi mo mahal ko" aniya at napanatag ang kalooban ko.

Yes. He died years ago after that car incident. But he never left me.

-zy_thorne

Stories of Every HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon