CRUSH PLEASE BE MINE
Naglalakad ako patungo sa canteen nang makasalubong ko si Enzo. Napangiti ako sabay bulong sa sarili ng "Crush please be mine"
Napalingon sya at agad kong tinakpan ang bibig ko.
'Ghad! narinig nya ba?!'
Akmang lalapit sya pero tumakbo na ako palayo. Anong gagawin ko nito?
--------
Wala kaming klase kaya boring. Naisipan kong magcalligraphy na lang ng pangalan ni Enzo.ENZO PLEASE BE MINE -----yan ang nakasulat sa notebook ko.
I was applying the finishing touches nang may tumikhim sa likuran ko.
"Ehem" nalingon ako at agad kong naisara ang notebook dahil sa sobrang gulat.
"E-enzo wazzup? he he" awkward na bati ko.
'Ang tanga mo self! anong Enzo wazzup ka dyan?!'
"Can I sit beside you?"
"A-ah s-sige" sambit ko.
"By the way, mag-uusap tayo mamaya." seryosong sabi nya at kinabahan ako.
--------
Sa likod ng building..."Alam kong gusto mo ako" pag-uumpisa niya.
'oh shet nakakahiya'
"And I like someone" dugtong pa niya at napatungo na lang ako.
"She's pretty"
Well, pangit ako. I know.
"She's intelligent"
I dont know pero rank two lang ako.
"But you know what makes me like her more? Hindi nya alam na maganda at matalino sya. Ewan ko pero perfect sya sa paningin ko" aniya at nasasaktan ako.
"Tahimik ka? May sasabihin ka rin ba?" tanong nya.
Diretso ko syang tiningnan sa kabila ng pagtulo ng luha ko.
"For the first time sasabihin ko to. Please be with the one you like. I want you to be happy" iyon lang at tinalikuran ko na sya.
Ilang metro na ang layo ko sa kanya nang maramdaman kong niyakap nya ako ng mahigpit sabay sabing...
"Sigurado ka ba sa sinabi mo?" tanong nya at tumango lang ako.
"Kung ganon pala, wag ka ng magsasabi or magsusulat ng Enzo please be mine"
"H-hindi na" sagot ko.
"Good. Dahil nang oras na nakita, nahulog na ako. Wag mo nang sasabihin yun kasi sayong sayo na ako. Matagal na"
W-what on earth is happening?!
-zy_thorne