ANG GANDA MO
"Crizelle!"
"Bakit?"
"Ang ganda mo"
"Luh" parang tanga naman tong si crush.
"Ang ganda mong itapon" dugtong nya with matching tawa pa.
Sabi ko nga eh. Hinding hindi talaga kami magkakasundo nito.
"Gago"
---------
JS PROM"Uy sayaw tayo" aniya.
"Wala ka talagang gentleness sa katawan ano?" tanong ko.
"Wala. Naawa lang ako sayo. Sayang ang ganda mo kung di ka sasayaw."
"Kilabutan ka nga" kinikilig na sambit ko.
"Ang ganda mo talaga ngayong gabi. Bagay ka dun sa dilim" aniya.
"Pag ang paningin ko ang nagdilim bigla. Tingnan mo. Baka masapak kita"
"Chill" natatawang anas niya.
---------
DEBUT"Di ko alam kung paano ka napasama sa eighteen roses" biro ko habang nagsasayaw kami.
"Kasi pogi ako at maganda ka"
"Alam kong maganda ako"
"Oo pwede ka na sa party ng kapatid ko. Mukha kang clown dahil sa make up mo"
Bwisit. Pati ba naman sa birthday ko?
---------
Later on,"Crizelle ang ganda mo" seryosong sabi nya.
Tumahimik lang ako at naghihintay sa idudugtong nya. Lagi namang ganon eh. Sasabihan nya akong maganda tapos lalaitin nya din.
"Oh bat di ka umiimik?" tanong nya.
"Hinihintay ko lang ang panlalait mo"
"Sus. Seryoso. Ikaw ang pinakamagandang bride sa buong mundo dahil ako ang groom mo."
"Paano kung hindi? edi pangit ako?" naiinis na tanong ko.
"Di naman ako papayag na ikasal ka sa iba. Apelyido ko lang ang bagay sayo" aniya.
Napangiti na lang ako. Nabalik kami sa reyalidad nang tumikhim ang pari sabay sabi ng----
"Shall we start?"
Yes father. And now, am marrying my number one bully.
-zy_thorne